Zanjoe bida-kontrabida sa balik-tambalan nila ni Angelica; Arci may bagong hamon | Bandera

Zanjoe bida-kontrabida sa balik-tambalan nila ni Angelica; Arci may bagong hamon

Reggee Bonoan |September 17,2020
facebook
share this

Zanjoe bida-kontrabida sa balik-tambalan nila ni Angelica; Arci may bagong hamon

Reggee Bonoan - September 17, 2020 - 04:27 PM

 

 

BALIK-TAMBALAN sina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo sa seryeng “Walang Hanggang Paalam” na kapalit ng “Burado”.

Makakasama rin nila sa upcoming show na ito sina Paulo Avelino at Arci Muñoz.

Naunang nagsama sina Angelica at Zanjoe sa seryeng “Playhouse” (2018) kung saan may anak-anakan sila sa kuwento na ginampanan ni Justine Quilantang.

Nag-click ang tambalan nina Angel at Z kaya na-extend ang show nila at umabot pa nga sa 135 episodes.

Dito sa “Walang Hanggang Paalam” ay may anak si Angelica kay Paulo pero si Zanjoe ang tumayong tatay.

Iba ang kuwento ng “WHP” sa “Burado,” “Yung Burado it’s a pre-pandemic concept. New concept na po ang Walang Hanggang Paalam,” ang sabi sa amin ng isang source.

Base trailer ng upcoming Kapamilya drama series ay parehong love interest nina Paulo at Zanjoe si Angelica, samantalang si Arci ang babaeng manggugulo sa kanila at tila sangkot din sa isang sindikato.

Samantala, nagkaroon nga ng anak sina Paulo at Angelica sa kuwento na magiging biktima ng kidnapping na tila sabit naman si Zanjoe.

Base kasi sa trailer, tinanong siya ng karakter ni Cherie Pie Picache kung may kinalaman ang negosyo nila sa pagkawala ng bata.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bida-kontrabida si Zanjoe rito dahil ayaw niyang bumalik si Angelica kay Paulo o sa tatay ng anak niya kaya gumagawa ng paraan ang una para hindi ito mangyari.

Ang nasabing serye ay mapapanood na sa Kapamilya Channel simula sa Set. 28 handog ng Dreamscape Entertainment mula sa direksyon nina Darnel Joy Villaflor at Manny Palo. Kasama rin dito sina Jake Cuenca, McCoy de Leon at JC Santos.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending