Nadine Samonte idol ngayon ng mga nanay; wala pang balak bumalik sa showbiz | Bandera

Nadine Samonte idol ngayon ng mga nanay; wala pang balak bumalik sa showbiz

Ervin Santiago |September 17,2020
facebook
share this

Nadine Samonte idol ngayon ng mga nanay; wala pang balak bumalik sa showbiz

Ervin Santiago - September 17, 2020 - 02:22 PM

IDOL ngayon ng mga mommy ang StarStruck alumna na si Nadine Samonte na ibinandera kamakailan ang pagbebenta ng danggit at dilis.

Maraming natuwa at na-inspire sa sipag at tiyaga ng dating Kapuso actress na matagal na ring hindi napapanood sa telebisyon.

Kamakailan ay nag-trending at talagang pinag-usapan ang ipinost niyang litrato sa Instagram kung saan makikita ang tinda niyang iba’t ibang klase ng dried fish.

Dahil dito kaya tinawag siyang bagong D&D Queen o reyna ng dilis at danggit. Nagpasalamat naman si Nadine sa lahat ng positibong mensahe na natanggap niya mula sa publiko.

Sa katunayan, bigla raw dumami ang kanyang customers at resellers mula nang i-post niya sa social media ang dried fish business ng pamilya nila.

Sa panayam ng GMA kay Nadine, sinabi nitong wala pa sa plano niya ang bumalik sa showbiz lalo na ngayong iba na ang sistema at kalakaran sa taping at shooting dahil sa COVID-19 pandemic.

Bukod sa natatakot pa rin siya sa anumang maaaring mangyari sakaling sumabak uli siya sa pag-arte, hindi pa rin daw kaya ng aktres na iwan ang kanyang mga anak.

“Kasi ang balita ko kapag nag-taping ka hindi ka pwedeng umuwi. So, wala pa naman, wala pa naman ako sa ganu’n (sitwasyon).

“Parang hindi ko pa nakikita ‘yung sarili ko na babalik sa ngayon. Wala pa siguro kasi I have kids pa na maliit, e,” aniya pa sa nasabing panayam.

Samantala, tuwang-tuwa rin si Nadine dahil biglang dumami ang inquiries sa kanyang dried fish business. Napakalaking bagay daw talaga ng social media sa mga tulad niyang nasa online business.

“I’m happy. Overwhelming talaga ‘yung reception ng tao. Actually ngayon, ang ginagawa ko is the second batch.

“So, per batch ang ginagawa ko every week, kukunin ko muna ‘yung mga orders nila, reserve tapos ipapadala ko pagdating dito.

“Kasi, ayokong magtago ng dried fishes. Gusto ko kasi laging fresh from the province,” paliwanag pa ng dating Kapuso star.

Bukod sa kanyang negosyo, busy din siyempre si Nadine sa pag-aasikaso sa kanyang asawang businessman na si Richard Chua, at sa mga anak nilang sina Heather at Titus.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending