Sylvia dinenay na nahawa ng COVID-19 si Arjo; ‘Digital Bayanihan’ kasado na
HINDI tinamaan ng COVID-19 si Arjo Atayde.
Ito ang agad na nilinaw ng kanyang inang si Sylvia Sanchez nang may isang netizen ang nagtanong kung bumalik na ang panlasa at pang-amoy ng aktor.
Nag-post kasi si Sylvia ng ilang litrato sa kanyang Instagram page na kuha sa bahay nila kamakailan kung saan makikita ang ilang putaheng nakahain sa kanilang hapag-kainan.
Caption ng award-winning actress, “Coming from a quick rest from all the stress, this yummy meal that Arjo prepared for us is what welcomed us home, kimchi soup and pepper steak ala pepper lunch.
“Ang sarap! A child brings joy to the life of a parent and yes im proud because all of my kids know how to cook and bake and theyre good at it, I’m not kidding!!!
“Thanks nak for cooking dinner, love u too my gwapo ogag. #happymom #family #happiness #blessing #thankuLORD. Happy evening, everyone.”
Reply naman ng boyfriend ni Maine Mendoza sa papuri ng kanyang nanay, “Love you ma! Welcome.”
May isang IG follower si Ibyang ang nagtanong ng, “@arjoatayde sir matanung ko lang… bumalik na ba panlasa/pang amoy niyo? Cuz Diba
nagkacovid kayo? I just wanna knoww.”
Si Sylvia ang sumagot sa netizen at dinenay na nahawa ng COVID-19 si Arjo, “Hindi si arjo ang nagkacovid, ako at ang asawa ko, negative na
ako april 15 at april 17 asawa ko.
“Yes, bumalik na ang panglasa at pang amoy naming mag asawa. Mga anak namin at mga kasambahay walang nahawa, lahat sila muna noon at gang ngayon negative sila. Thank GOD,” mensahe pa ni Ibyang.
* * *
Sa patuloy na pagharap ng mga Pilipino sa pandemya, kailangan nila ng impormasyon para makapag-desisyon sa mga mahahalagang bagay sa kanilang buhay sa araw-araw.
Makakatulong nila rito ang bagong public service app na Sharea, na sasalansan sa mga datos at ilalapit din sila sa kanilang komunidad.
Mula sa pinagsamang salitang share at area ang Sharea app na nakapaghahatid ng mahahalagang impormasyon tulad ng mga anunsyo ng gobyerno, bakanteng trabaho, at mga aktibidad na na partikular sa pipiliing lugar o lokasyon ng gagamit nito.
Ibig sabihin, ang makikitang impormasyon ng gagamit nito ay para mismo sa kanyang kinabibilangang barangay o lungsod. Malaking tulong ito lalo na ngayong community quarantine para manatiling updated sa ganap sa komunidad maski hindi lumalabas ng bahay.
“Digital bayanihan” ang konsepto sa likod ng Sharea kung saan makatutulong ang bawat Pilipino sa isa’t isa na makadiskarte at magdesisyon sa araw-araw sa pamamagitan ng palitan ng impormasyon, lalo na ngayong may pandemya.
Dito makikita ang mga impormasyon na mahalaga sa bawat pamayanan na maaaring hindi na umabot sa balita tulad ng mga raket, water o power interruptions, listahan ng bayad centers, listahan ng clinics na nagbibigay ng bakuna, at marami pang iba sa mismong mga barangay o lungsod.
Para makatulong palakasin at paglapitin ang mga komunidad sa bansa, mayroong tatlong pangunahing feature ang Sharea. Sa Bulletin Board makikita ang mga impormasyon tungkol sa kalusugan, mga ganap, at iba pa. Pero hindi lamang makatatanggap ang gumagamit ng app ng
impormasyon.
Maaari rin siyang magbahagi ng kanyang sariling nalalaman tulad ng mga magandang bilihan, nakitang aksidente, o anumang payo na makatutulong
sa kanyang kapwa sa Community Wall.
Pwede rin gamitin ang app para makapagpadala ng mensahe sa isa’t isa.
Makasisiguro rin na totoo at lehitimo ang mga impormasyon dito dahil sinisigurado na mapagkakatiwalaan ang pinanggalingan ng mga post kundi galing mismo sa mga opisyal na source para maiwasan ang pagkalat ng pekeng balita at impormasyon.
Libre at pwede nang i-download ang Beta version ng Sharea sa Google Playstore sa play.google.com/store/apps/details?id=com.abscbn.kapp.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.