outbrain

Erich kumasa sa TikTok challenge ni Enchong; hirap na hirap gumiling

By Reggee Bonoan September 16,2020
share this

Erich kumasa sa TikTok challenge ni Enchong; hirap na hirap gumiling

By Reggee Bonoan September 16,2020 - 04:57 PM
NATATAWA si Enchong Dee sa partner niyang si Erich Gonzales nang sumabak sila sa TikTok challenge.
Hindi kasi makasunod ang aktres sa steps ng “It Really Hurts”. Aminado naman ang aktres-producer-director na matigas ang katawan niya at kahit anong gawin niya ay hindi niya talaga masundan ang steps.
Na-curious tuloy kaming panoorin ang mga dating production number ni Erich kapag may pino-promote na pelikula o teleserye — oo nga, puro pa-sexy at pa-cute lang ang ginagawa niya.
Hindi siya humahataw talaga tulad nina Maja Salvador, Kim Chiu, Yassi Pressman, Shaina Magdayao at Sarah Geronimo.
“Ang tigas talaga ng katawan ko, ano ba naman, alam n’yo guys gusto kong gumanu’n (gumiling) pero ayaw,” tinig ni Erich habang sumasayaw kaya natawa si Enchong.
Payo sa kanya ng aktor, “Mag-iba ka naman ng posisyon (pinapunta ang dalaga sa likod ng kurtina).” At sabay silang sumayaw pero hindi pa rin makasunod ang aktres.
Sa tuwing matatapos ang kanta ay inuulit-ulit ni Erich, “Isa pa, isa pa.”
Sinubukang ibahin ng dalaga ang paggiling pero hindi pa rin maayos kaya nilaru-laro na lang ng dalaga ang sayaw na kung anu-anong posisyon habang tawa nang tawa.
“Oh my God, this is so funny,” sambit ni Erich.
Sabi naman ng binata, “O, di ba, mag-iba-iba ka lang ng lugar,” at sabay ulit silang gumilng. “Ha-hahahaha! Naku, ilalagay (upload) na nila ‘yan, na-seen na nila.
“O, guys ha, para sa inyo lang ‘yun, exclusive ‘yun. Hindi ‘yan basta-basta sumasayaw, sumayaw siya (Erich) para sa inyo guys!” ani Enchong.
Hirit pa ni Erich, “Bakit siya sumayaw, nakakaumay.”
Mapapanood ito sa Erich Gonzales accepted “It Really Hurts challenge” featuring Enchong Dee vlog.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending