outbrain

Anne wala talagang balak manganak sa Australia; uuwi na ng Pinas sa Pasko

By Ervin Santiago September 16,2020
share this

Anne wala talagang balak manganak sa Australia; uuwi na ng Pinas sa Pasko

By Ervin Santiago September 16,2020 - 12:54 PM
BIGLAAN pala ang naging desisyon ni Anne Curtis na sa Australia ipanganak ang panganay nila ni Erwan Heussaff na si Baby Dahlia Amelié.
Ayon sa Kapamilya actress-TV host, nakaplano na ang lahat para sa panganganak niya dito sa Pilipinas pero nagbago nga ang plano nila ni Erwan.
Ilang linggo raw bago niya isilang ang anak ay gusto pa rin niyang magtrabaho at mag-report araw-araw sa It’s Showtime. Balak lang niyang mag-leave sa programa kapag kabuwanan na niya.
“Actually, it was a last minute decision really. Kasi I’d already chosen a doctor and a hospital and then, parang last minute I decided na parang I was working so hard kasi,” simulang pahayag ni Anne sa online chikahan nila ng screenwriter na si G3 San Diego.
“And parang hindi nila ako mapigilang mag-work. So I felt that one way that would really get me to stop working is to just kind of be here,” dugtong pa ng aktres.
Patuloy pa niyang kuwento, “And major factor then kasi was being with my mom. Lalo na it’s my first baby and having her help me through it, du’n na lang ako para mas tahimik. I can really just focus on the first few weeks and months of my baby daughter’s life.”
Samantala, naikuwento rin ni Anne na babalik na sana siya sa Pilipinas after manganak, “Yeah. Pero given the current situation, na-extend talaga ‘yung stay namin dito because I mean, if it was just me, no problem.
“Kaya kong lumipad anytime, ‘di ba? Pero now, I have a little life to think off and she is the top priority. Her safety is the top priority and her health,” diin ng Kapamilya TV host.
Sa kabila ng pandemya at iba pang problemang hinaharap ng buong mundo dulot ng COVID-19, positibo pa rin ang pananaw sa buhay ni Anne.
“I’m here in Victoria. And we’re still in lockdown. Lockdown pa rin kami. And honestly, the silver lining of it all is that we get to spend, well, Dahlia gets both of her parents 24/7. As in 24/7. And pareho kami,” aniya pa.
“So I think that’s the beauty of what’s happening now, is that we get to spend so much time with her. I mean all of our hours are dedicated to just Dahlia,” sey pa ni Anne.
Balak daw niyang bumalik sa bansa bago matapos ang taon, “Hopefully by the end of this year, we’ll be able to come back to Manila na. Pero of course playing it by ear pa rin. We’ll see. Pero ‘yun naman talaga ang goal, makapag-Pasko kami diyan sana.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending