‘DIY toy kitchen’ ni Andi para sa 2 anak patok na patok sa netizens

By Reggee Bonoan September 15,2020
share this

‘DIY toy kitchen’ ni Andi para sa 2 anak patok na patok sa netizens

By Reggee Bonoan September 15,2020 - 12:51 PM

 

UMABOT na sa mahigit 305,000 views ang vlog ni Andi Eigenmann na may titulong, “We Made A DIY Toy Kitchen Set Out Of Recycled Materials.”

Pinanood namin ang paggawa ni Andi ng toy kitchen sa kanyang “Happy Islanders” YouTube channel, para sa mga anak na sina Ellie at Lilo.

Gawa ito sa recycled cardboard boxes at isa-isa niyang ipinapaliwanag kung paano ito gawin, katulong pa niyang gumawa ang panganay niya.

Inunang gawin ang lababo na gawa sa plastic na pinaglagyan ng biscuit at ang kunwaring gripo ay kinuha sa pump bottle dispenser.

Sinundan ng oven na ang ginawang burners ay ang takip ng mason glass na tinanggal ang top at idinikit saka kinulayan ang paligid pati ang switch. Sumunod naman niyang ginawa ay ang fridge.

Puring-puri ng netizens si Andi sa ginawa niyang laruan para sa mga anak.

Komento ni @Sarah Largo, “I was amazed how ate Andi did a luxurious kitchen toy out from recycled materials. You’re so creative. I love the way u embrace simplicity but filled with worth and make your daughters happy that was priceless. Keep safe po.”

Ayon naman kay @Hong bee, “I am so amazed with Andi’s creativity I mean come on! She beautifully designed Lilo’s b’day and now doing such amazing thing as this? And the fun thing is she made it look like it’s so easy to do. I don’t even know what she can’t do.

Sabi ni @Pao Taeza, “She’s doing an amazing job trying to inculcate to her kids to be simple and practical. There’s no need to buy expensive things always!”

Tuwang-tuwa naman si Lilo nang matapos ang toy kitchen niya at naglarong kasama ang ate Ellie at mama Andi niya.

“So there, this is the end product of that experience. All of that hard work actually paid off because Ellie and Lilo have really been enjoying it.

“More importantly, it just goes to show that as much as I would love to shower my kids with all of these you know really nice luxuries in life, they also will appreciate it just as much if it’s simple pleasures simple joys such as this one.

“And the experience was even more special because I have to got them joined me and do it with me.  I’m so happy that this is I got to come up with eco-friendly the option for providing my children with such entertainment,” kuwento ni Andi.

Kasalukuyang nasa bahay niya rito sa Manila si Andi kasama ang mga anak habang nasa Siargao naman ang partner niyang si Philmar Alipayo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending