'3 gives' sa bills sa ilalim ng Bayanihan 2 dapat lang | Bandera

‘3 gives’ sa bills sa ilalim ng Bayanihan 2 dapat lang

Ulat ng Bandera at Radyo Inquirer - September 14, 2020 - 01:58 PM

Francis Tolentino

Sen. Francis Tolentino. PRIB PHOTO

Nakapaloob sa Bayanihan to Recover as One Act na pinirmahan ni Pangulong Duterte ay ang pag-aalok dapat ng utility companies ng ‘three gives’ sa mga konsyumer.

Ikinatuwa ito ni Sen. Francis Tolentino dahil siya ang masigasig na nagtulak sa probisyon sa deliberasyon sa plenaryo ng Bayanihan 2.

Katuwiran ng senador napakahirap na ng sitwasyon at ang pag-aalok ng installment na pagbabayad sa kuryente, tubig at telekomunikasyon ay kahit paano ay makagaan sa pasanin ng mga konsyumer.

Paliwanag ni Tolentino, kailangan na magbigay ang lahat ng utility companies ng 30-day grace period para sa pagbabayad ng kanilang konsumo habang umiiral ang enhanced community quarantine o ECQ at MECQ ng walang interes at multa.

Pagkalipas ng grace period may opsyon din ang mga konsyumer maging ang mga micro, small and medium enterprises na bayaran ang kanilang naiwan bills ng tatlong hulog o ‘three gives’ ng wala rin interes at multa.

Samantala ang upa naman sa tirahan at puwesto ng negosyo na nagsara noong ECQ at MECQ ay sakop din ng 30-day grace period at bibigyan din sila ng hanggang sa katapusan ng taon para tapusin ang ‘installment payment’ sa upa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending