John dumaan din sa matinding depresyon: To the extent na talagang I’ll take my own life…
INAMIN ng award-winning actor na si John Estrada na dumanas din siya ng matinding depresyon noong kabataan niya.
Partikular na tinukoy ni John yung mga panahong nawalan siya ng trabaho kasabay ng pagtataguyod sa mga anak nila ni Janice de Belen.
Aniya, umabot pa siya sa puntong naisipan din niyang tapusin na ang kanyang buhay dahil hindi na niya alam ang kanyang gagawin.
Nagkaroon sila ng apat na anak ni Janice — sina Inah de Belen, Moira, Kaila at Yuan ngunit nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang pagsasama.
Maagang naging tatay ang aktor at sinabi nga niya na talagang hindi madali ang pagkakaroon ng sariling pamilya sa mura niyang edad. At isa nga ito sa naging dahilan ng kanyang depresyon.
“Of course, the struggle was really there. Hindi ko alam kung paano ko natawid ‘yun sa araw-araw.
“And to tell you honestly I really went to depression at the time because noong nawala ‘yung ‘Palibhasa Lalake,’ (sitcom nila noon nina Richard Gomez at Joey Marquez sa ABS-CBN) tatlo ‘yung anak ko tapos going to four,” ang pahayag ni John sa “Tunay Na Buhay.”
Aniya pa, “And I just found myself really like, hopeless, helpless, to the extent na talagang I’ll take my own life.
“Those struggles I went through, and honestly hindi ko talaga alam na kung paano ko naitawid talaga ‘yung mga anak ko,” lahad ng Kapuso actor.
Samantala, nang magkahiwalay sila ni Janice nakilala nga niya si Miss Earth 2004 Priscilla Meirelles at masaya na nga silang nagsasama ngayon kasama ang kanilang anak.
Kuwento ni John sa unang pagkikita nila ng dating beauty queen at misis na niya ngayon, “First meeting namin, kinapalan ko ‘yung mukha ko, in-approach ko ‘yung table niya, because I was single really at that time.
“Nakikita ko siya sa labas with Tim Yap, so what I did hiningi ko ‘yung number niya kay Tim,” chika ng aktor.
Ikinasal ang dalawa noong 2011 at biniyayaan nga sila ng isang anak, si Anechka Estrada.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.