13 TV channel na gagamitin ng DepEd sa pagbabalik-eskwela sagot na ni Pacquiao | Bandera

13 TV channel na gagamitin ng DepEd sa pagbabalik-eskwela sagot na ni Pacquiao

- September 13, 2020 - 07:09 PM

Manny Pacquiao
KUNG may isang bagay na palaging ipinaaalala ni Sen. Manny Pacquiao sa kanyang mga anak, yan ay walang iba kundi ang magsikap at makapagtapos sa pag-aaral.

Mukhang hindi naman istriktong tatay ang Pambansang Kamao sa mga anak ni Jinkee dahil lahat naman ng mga gusto nilang gawin ay nagagawa nila, basta’t para sa ikabubuti nila bilang tao.

Mismong ang dalawa niyang anak na sina Jimuel at Michael Pacquiao ang nagsabi na napakabait at super supportive na tatay ang senador kaya hindi nila sinisira ang tiwala nito sa kanila.

Naniniwala rin sila sa laging ipinapayo sa kanila ni Pacquiao na pinakamahalaga pa rin ang may natapos ang isang tao na maaari niyang ipagmalaki kahit saan at kahit kanino.

Malalim talaga ang hugot ng senador pagdating sa pag-aaral kaya ganu’n na lang din ang malasakit niya sa mga mahihirap na kabataan na walang sapat na halaga para makapag-aral.

Kaya siguradong matutuwa ang lahat ng estudyante pati na rin ang kanilang mga magulang sa good news na dala ni Pacman.

Balita kasing sagot na ng senador ang gastos para sa 13 TV channel para gamitin ng Department of Education ngayong darating na pasukan.

Ayon sa boxing champ, hindi raw niya matiis na mapag-iwanan sa aralin ang mga estudyanteng mahihirap at nasa malalayong lugar na hindi kayang bumili ng mga laptop at gadgets para sa online learning.

“Galing ako sa hirap kaya alam ko ang nararamdaman ng mga mag-aaral at mga magulang nila,” sabi ni Pacquiao.

“Alam ko rin na hindi pa 100% coverage yang internet natin sa Pilipinas, kaya kahit me pambili ka ng laptop o gadget, hindi ka pa rin nakakasiguro na aabot sa ‘yo ang mga aralin buhat sa DepEd,” dagdag pa niya.

“Sa tulong ng mga nasa industriya ng telecommunications, nagawan namin ng paraan para me magamit na 13 TV channels ang DepEd nang walang gastos buhat sa gobyerno at mga estudyante.

“Kaya wala nang dahilan para hindi matuloy ang pag-aaral ng mga bata ngayong darating na pasukan,” ani Sen. Pacquiao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kung saan ako muntik nang magkulang, maaga kong pupunuan. Dahil napakahalaga ng pag-aaral para sa kinabukasan ng ating mga kabataan,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending