Kasal nina Angel at Neil tuloy pa rin; balitang naghiwalay na fake news | Bandera

Kasal nina Angel at Neil tuloy pa rin; balitang naghiwalay na fake news

Reggee Bonoan |September 13,2020
facebook
share this

Kasal nina Angel at Neil tuloy pa rin; balitang naghiwalay na fake news

Reggee Bonoan - September 13, 2020 - 05:07 PM

MAGKAIBA ang “postponed” sa “cancelled”.

Ang postponed ay ipinagpaliban lang dahil may mga hindi maiwasang pangyayari o nangyayari. Ang cancelled ay hindi na matutuloy o waley na talaga.

Kaya namin ito nasabi ay dahil may mga taong ginawan na naman ng isyu si Angel Locsin at ang fiancé niyang si Neil Arce — kaya raw hindi na matutuloy ang kasal nila ay dahil hiwalay na.

Nang marinig namin ito ay napakunot-noo kami dahil saan nanggaling ‘yun? E, kasusulat lang namin dito sa BANDERA na nakausap namin si Angel at sinabi niyang next year na ang kasal nila ni Neil dahil sa COVID-19 pandemic.

Wala naman siyang sinabing break na sila? At sa katunayan ay makikita sa mga post nilang dalawa na magkasama sila palagi, lalo na sa programang “Iba ‘Yan” na napapanood sa Kapamilya Channel/YouTube dahil si Angel ang host at si Neil ang direktor

Sa kanyang Instagram story ay sinabi ng aktres na fake news ang kumakalat na hiwalay na sila ng kanyang future husband.

“Oh wow. Can’t believe some people would stoop this low. Why do some people make this much effort to put me in a bad light? That is the question?” sagot ng aktres sa mga nagpapakalat ng pekeng balita.

Hirit naman ni Neil, “Muntikan na ko maging victim ng fake news. Buti na lang hindi Neil Arci ang pangalan ko.”
Kaya sa mga troll at sa mga gigil na gigil kay Angel, better luck next time.

Sa kasalukuyan ay abala ang dalawa sa taping ng mga bagong episodes ng “Iba ‘Yan” na napapanood tuwing Linggo, 7 p.m..

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending