Sanya Lopez isinakripisyo ang lovelife para maipatayo ang dream house
KINALIMUTAN muna ng Kapuso actress na si Sanya Lopez ang kanyang lovelife para matupad ang pangarap niyang magkaroon ng sariling bahay.
Ayon sa dalaga, sa wakas matapos ang halos isang taon ay naipatayo na niya ang kanyang inaasam na dream house.
Ang halos 200 square meter na modern design na bahay ni Sanya ay katas ng dugo at pawis na ipinuhunan niya sa tuluy-tuloy na pagtatrabaho.
“Dati kasi para akong nakatira sa isang maliit na apartment sa may Valenzuela.
“‘Yun ay isang room lang tapos paglabas mo nandu’n na lahat, napakaliit, halos hindi kasya ‘yung mga gamit,” simulang kuwento ng aktres sa panayam ng GMA 7.
“Nag-decide kaming lumipat sa isang bahay. Ang una naming upa, sa may Tandang Sora.
“Kasama ko po ‘yung PA ko sa room, siguro nagkaroon lang kami ng konting kurtina para lang hindi kami magkita-kita, parang ganu’n lang. So minsan nagtiis din ako sa mga gano’n,” lahad pa ng aktres.
Last year daw sila nag-house hunting ng kuya niyang si Jak Roberto at hindi naman sila masyadong nahirapan sa paghahanap ng maganda, modernong design at dog-friendly na bahay.
Aminado si Sanya na matindi ang ginawa niyang pagtitipid para madaling makaipon para sa kanyang dream house, isa na nga ang pag-iwas sa pagsa-shipping nang bonggang-bongga.
“Pagdating sa pagtitipid hindi ako mahilig lumabas, hindi rin ako mahilig masyadong bumili ng mga bags, ng mga shoes, not unless importante at kailangang kailangan ko talaga,” pahayag pa niya.
Hirit pa ni Sanya ang tanungin ang pinakamatinding sakripisyo na ginawa niya para sa bago niyang bahay, “Biggest sacrifice, siguro hindi ko pinriority ang lovelife. Ha-hahaha!
“Pero feeling ko kasi malaking factor talaga ‘yung love life pagdating sa pag-iipon for me. Kasi siguro kung siningit ko ‘yun, baka hindi ako masyadong focused,” dagdag pang chika ng Kapuso sexy actress.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.