Wow mali! 4 na magkakabarkada arestado dahil sa 'nakasakong bangkay' sa Valenzuela City | Bandera

Wow mali! 4 na magkakabarkada arestado dahil sa ‘nakasakong bangkay’ sa Valenzuela City

Karlos Bautista |September 08,2020
facebook
share this

Wow mali! 4 na magkakabarkada arestado dahil sa ‘nakasakong bangkay’ sa Valenzuela City

Karlos Bautista - September 08, 2020 - 10:01 AM

Wow, mali!

Apat na magkakabarkadang nagkatuwaan sa Valenzuela City ang inaresto nang ang plano nilang manakot sa mga dumadaan ay di naging katawa-tawa para sa pulisya.

Ang drama, si Mark Francis Habagat, 20, ay magpapanggap na patay sa loob ng isang sako na “nakatapon” sa tabing daan sa Barangay Paso De Blas.

Samantala, ang tatlo nyang katropa–sina Mark Aldrin Arce, 20; Chris Bayron, 20; at Wynzel Tan, 19–ay nakatago sa di kalayuan  habang nagbi-video ng mga taong takot habang dumadaan sa nakasakong “bangkay.”

Ang siste, isa sa mga natakot ay nag-report sa nagpapatrolyang pulis, na kaagad namang rumesponde sa ulat.

Sinabi ni Police Staff Sergeant Regor Germedia na katuwaan lang umano ang sinasabing pakay ng apat na kabataan at hindi nila layong makasakit ng ibang tao.

Gusto rin nilang i-upload sa social media ang video, sabi ni Germedia, na nag-imbistiga ng kaso.

Pero hindi katanggap-tanggap para sa pulisya ang “trip” ng magto-tropa.

Arestado ang apat at kasalukuyang nahaharap sa kasong paglabag sa Article 155 of the Revised Penal Code, na nagbabawal sa anumang gawaing lumilikha ng alarma at pubic scandal.

Dagdag pa, lumabag din sila sa ordinansa ng siyudad kaugnay sa pagpapatupad ng social distancing at mandatory na paggamit ng quarantine pass.

Posted by Valenzuela City Police Station on Monday, September 7, 2020

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending