Male celeb dedma sa mga pasabog ng dating aktor: Busy siya, marami siyang projects! | Bandera

Male celeb dedma sa mga pasabog ng dating aktor: Busy siya, marami siyang projects!

Reggee Bonoan - September 07, 2020 - 03:43 PM

 

 

IRITANG-IRITA ang ilang kaibigan ng sikat na aktor dahil idinadawit siya sa isyung wala naman siyang kinalaman.

Pakiwari nila ay ginagamit ang kaibigan nila para dumami ang views ng dating aktor sa vlog nito.

Nu’ng silipin kasi namin ay wala pang 200k ang views ng kanyang video kaya baka ito ang naisip niyang paraan para gumawa uli ng ingay.

Bagama’t walang pangalang binanggit, may mga nagsabing ang kaibigan nila ang tinutukoy sa kuwento kaya natatawa sila.

Ibig sabihin ay walang masyadong interesado sa tsika ng dating aktor na ilang dekada na ang nakalipas pero pilit pa rin nitong binubuhay.

Actually, hindi naman daw apektado ang aktor dahil alam niyang hindi siya guilty at alam naman ng lahat kung sino ang mas may kredibilidad — siyempre ang aktor na idinadawit sa isyu.

“Oo nga, ano nga ba ang dahilan ng dating aktor sa mga pinagsasasabi niya, nag-i-imagine lang yan!” natawang sabi sa amin ng isang source.

Dagdag pa niya, “Halatang hindi siya masaya sa buhay niya at hindi siya busy kasi ang dami niyang oras magkuwentong kutsero.

“Sensya, bro, busy si _____ (kilalang aktor), marami siyang projects. Ah, baka gusto lang niyang magbalik sa showbiz?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Banggitin ko kaya na isama siya sa isa sa mga project na nakatakda nang gawin. Ha-hahaha!” sabi pa sa amin.
 

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending