Alex napaiyak sa sagot ni Toni nang tanungin niya ng, 'Are you proud of me?' | Bandera

Alex napaiyak sa sagot ni Toni nang tanungin niya ng, ‘Are you proud of me?’

Ervin Santiago - September 07, 2020 - 09:41 AM

 

 

PINAIYAK na naman ni Toni Gonzaga ang kanyang sisteraka na si Alex.

Hindi napigilan ng TV host-vlogger ang maluha nang muli silang magsama ni Toni sa isang vlog kung saan napag-usapan ang naging struggles niya noon sa mundo ng showbiz.

Ani Alex, ilang taon din siyang nahirapang mag-adjust sa pagiging artista at matagal na panahon din ang hinintay niya para matanggap ng madlang pipol kung ano at sino talaga siya.

“You just have to process whatever life throws at you right now. May mga challenges na ibibigay sa atin at lahat ng mga experiences mo, may it be bad or good, celebrate.

“Kapag mas maraming bad doon ka mas natututo at doon mo mas nakikita kung ano ‘yung kailangan mong baguhin,” paliwanag ng dalaga.

“Ako it took me years here in the industry to realize who I am, kung ano talaga ‘yung kaya kong ibigay. Those 12 years were all a blur and a struggle lalo na sa kalooban ko.

“Mas masaya ako off-cam actually kaysa sa on-cam noong 12 years na ‘yun kasi sa off-cam mas ako, mas ako ‘yun. Kasi feeling ko on-cam hindi ako maintindihan ng tao at hindi ‘yun ang hinahanap nila,” patuloy ni Alex.

Dito, diretsahan niyang tinanong si Toni ng, “Are you proud of me?”

 

“I’ve always been proud of you. Ikaw lang ‘yung hindi proud sa sarili mo. Lagi naman ako proud sa kanya,” sagot ng kanyang ate. At sa puntong ito, naiyak nang tuluyan si Alex.

Ani Toni, “Lagi na lang ‘yan naiiyak kapag sinabi kong ‘I am so proud of you.’ Ganoon kalalim ‘yung bubog niya sa pagka-proud.”

 

Pagbabahagi pa ni Toni sa hinarap na mga challenge ng nakababatang kapatid, “Alex fought her way all throughout our childhood to be seen and heard. Growing up she kept comparing herself to others.

 

“It took many life experiences for her to discover who she really is, and that is enough. She finally found the courage not to dim her light anymore by being unapologetically true to herself,” aniya pa.

 

Pahabol pa niya, “It was a long and challenging journey. She finally stopped asking for permission to achieve her dreams. It’s never too late to know who you really are.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

“Embrace yourself and the world will embrace you. And if others can’t stand your light, hand them your shades.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending