Hugot ni Angel sa mga taksil: Karamihan sa kababaihan pag naloko sinisisi ang sarili, mali 'yun | Bandera

Hugot ni Angel sa mga taksil: Karamihan sa kababaihan pag naloko sinisisi ang sarili, mali ‘yun

Ervin Santiago |September 02,2020
facebook
share this

Hugot ni Angel sa mga taksil: Karamihan sa kababaihan pag naloko sinisisi ang sarili, mali ‘yun

Ervin Santiago - September 02, 2020 - 09:20 AM

 

NABIKTIMA na rin ng panloloko ang Kapamilya actress-TV host na si Angel Locsin.

Inamin ni Angel na naranasan na rin niya ang mapagtaksilan ng dating karelasyon at talagang napakasakit daw ng pakiramdam na maloko at ipagpalit sa iba.

Napag-usapan ang tungkol dito nang makipagchikahan ang aktres sa TV and movie writer na si G3 San Diego sa pamamagitan ng Instagram Live.

Nagsimula ang usapan tungkol sa “lokohan” at pagiging unfaithtful partner nang mapadako ang topic sa dating teleserye ni Angel na “The Legal Wife.”

“Oo, na-experience ko na,” ang diretsahang sagot ng aktres nang matanong kung may nanloko na sa kanya pagdating sa usaping pag-ibig.

Diin ng dalaga, kahit sino ay pwedeng maloko, anuman ang estado mo o katayuan sa buhay.

“Wala naman sa itsura ‘yun. Karamihan ng mga kababaihan, kapag naloloko, sinisisi ‘yung sarili. Pero mali ‘yun.

“Kailangan ma-realize ng mga kababaihan na ang ganung gawain, hindi mo fault ‘yun. Hindi mo fault kung walang loyalty ‘yung isa,” esplika ni Angel.

Aniya, ang isang taong manloloko ay walang sinisino, kung talagang gusto niyang manakit at makapanglamang, gagawin at gagawin niya ito anuman ang maging resulta nito.

“Totoo na sa isang problema, dalawang tao ‘yung involved pero sa kasalanan, isa na lang ‘yun. Kapag mali, mali pa rin ‘yun.

“Maraming babae ang nabubulag na ‘Ah baka kasi ganito, kasalanan ko kaya ako naloko.’ Pero kapag manloloko, manloloko talaga,” paliwanag pa ng Kapamilya actress.

Sa lahat ng mga pinagdaanang sakit at sakripisyo niya sa pakikipagrelasyon noon, nagpapasalamat pa rin siya kahit paano sa karanasan niyang ito dahil mas lumalim pa ang hugot niya sa pag-arte sa harap ng kamera.

“Naa-appreciate ko na napagdaanan ko ‘yung ganung klaseng journey kasi nagagamit ko siya sa craft ko.

“Thank you for my sadness kasi dahil sa sadness na ‘yun, nagkaroon ng best actress award.

“And kahit paano nakatulong ako to uplift other women na may ganung same journey,” chika ni Angel.

Pahayag pa niya, “Kung dati halos pakamatay ka na sa pain, dadating ‘yung panahon na tatawanan mo na lang.

“Kapag nahanap mo ‘yung tao na para talaga sa ‘yo, mare-realize mo na how petty ‘yung mga pinagdaanan mo, ‘yung mga iniyak mo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huling hugot pa ng future wife ng film producer na si Neil Arce, “Dati hindi ko naiintindihan ‘yun. Every time may nag-a-advice sa akin na ‘Wala, tatawanan mo lang iyan,’ naiinis ako.

“Sino ka para sabihin mong tatawanan, eh sobrang hurt na hurt ako? Pero totoo pala ‘yun,” lahad pa ng tinaguriang real life Darna.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending