Mikee pang-forever na si Alex: Sa awa ng Diyos, umabot kami ng 4 years! | Bandera

Mikee pang-forever na si Alex: Sa awa ng Diyos, umabot kami ng 4 years!

Ervin Santiago - September 01, 2020 - 09:20 AM

 

SI Piolo Pascual pala ang nagsilbing tulay para magkakilala ang engaged couple na sina Alex Gonzaga at Mikee Morada.

Apat na taon nang magkarelasyon ang dalawa at very soon ay magpapakasal na rin sila at bubuo na ng sarili nilang pamilya.

Naikuwento ni Mikee sa nakaraang episode ng “I Feel U” kung paano nagsimula ang love story nila ni Alex. Si Piolo nga raw ang naging kupido sa kanilang relasyon.

“Sabi ko sa kanya, ‘Ipakilala mo naman ako.’ Parang feeling ko magkakasundo kami. Kinukulit ko siya lagi tapos isang araw binigay niya sa akin ‘yung number ni Alex,” kuwento ni Mikee.

Isinama raw siya ni Piolo sa isang live episode noon ng “ASAP” para personal niyang makita si Alex, “Nagkita naman kami pero wala rin ako nasabi kasi nahiya ako.”

Pag-amin pa niya, “Lagi ko siyang napapanood sa ‘ASAP’ o kaya sa ibang TV shows. Tinitignan ko din lagi ‘yung Instagram niya. Nakakatuwa lang, sabi ko parang makakasundo ko siya. Fortunately, here we are.”

Ano naman ang unang impression niya sa TV host-vlogger nang magkakilala na sila?

“Ang daming alam. Parang mature na, alam na niya ‘yung gagawin niya sa buhay. Nung nakilala ko na siya, okay naman. Kasi bunso eh tapos ako panganay so nag-jibe kami.”

Sey pa ni Mikee, nang mas makilala pa niya si Alex doon niya na-feel na ang dalaga na ang kanyang “the one”.

“Ako kasi kapag pumapasok ako sa isang relationship, hindi ako papasok para whatever lang. Gagawin mo lahat. Ita-try mo pero seryoso ka lagi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“‘Yun ang intention ko, seryoso kami hanggang sa nakita ko na kaya ko naman. Hindi ko maisip kung kailan. Sa start, ‘yun lang ang main goal ko. Sa awa ng Diyos, umabot kami ng four years tapos ngayon engaged na,” aniya pa.

Looking forward na rin daw siya na maging asawa si Alex, “Actually excited ako sa lahat, ‘yung being with her pag-uwi, hanggang sa magkaanak, tumanda. Excited ako sa kung anong mangyayari.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending