Ted Failon goodbye ABS-CBN matapos ang 30 years; lilipat sa TV5?
MAKALIPAS ang 30 taon, magpapaalam na sa ABS-CBN ang batikang news anchor na si Ted Failon.
Huling beses nang mapapanood si Ted sa “TV Patrol” at “Failon Ngayon sa TeleRadyo” ngayong Agosto 31.
Narito ang bahagi ng official statement ng ABS-CBN hinggil sa pag-alis ni Ted.
“Ang pagpapatigil sa radio broadcast operations ng ABS-CBN ang nag-udyok sa hakbang na ito. Bagamat nakalulungkot, iginagalang namin ang kanyang desisyon.
“Hinahangaan namin ang kanyang husay at pagmamahal sa radio broadcasting, na pinakamabisang paraan ni Ted para mas makapaglingkod ng mabuti sa bayan.
“Nagpapasalamat kami kay Ted sa dedikasyon at paglilingkod niya sa maraming taon bilang isang mamamahayag ng Kapamilya network.
“Si Ted ay mananatiling isang Kapamilya habambuhay. Hangad namin ang ikabubuti niya sa daang kanyang tatahakin.”
Balitang sa Radyo5 ng TV5 lilipat si Ted Failon para doon ipagpatuloy ang programa niyang “Failon Ngayon”.
Ayon pa sa mga chika, posible raw na isama ng veteran broadcast journalist ang co-host niyang si DJ Chacha sa paglipat niya sa TV5.
Hintayin na lang natin ang susunod na kabanata.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.