John Lapus sa pang-ookray ni Vivian kay VP Leni: Kung ako, idedemanda ko yan | Bandera

John Lapus sa pang-ookray ni Vivian kay VP Leni: Kung ako, idedemanda ko yan

Alex Brosas - August 29, 2020 - 12:10 PM

 

Mula sa kaliwa: Vivian Velez, John Lapus, Vice President Leni Robredo

 

Sa kanya kasing Twitter account ay may isang netizen ang nagtanong, “@KorekKaJohn kanino ka po mas nagagandahan, Vivian Velez or Vivian Foz? #AskSweet”

Kasama sa tanong ng netizen ang screenshot ng Facebook post ni Vivian patungkol kay Vice President Leni Robredo.

Hindi sinagot ni John ang tanong ng netizens. Instead, nag-concentrate siya sa screenshot.

“Kung ako kay Madam VP dedemanda ko yan. Tapos may coverage sa Betamax,” maanghang na reply ng komedyante.

Actually, ang bait-bait nga ni VP Leni. Kung sinu-sino na nanglalait sa kanya, most of the time ay below the belt ang tira sa kanya pero she chose to ignore them most of the time. And whenever she makes patol, she does it with characteristic grace.

Nakakatawa nga, eh, kasi ang ilan sa mga bumabatikos sa kanya ay wala namang ambag sa lipunan, mga salot, mga walang aral.

Siguro naisip niya, bakit nga naman niya papatulan ang mga laos na at nagpapapansin.

Any which way we look at it ay wala namang magandang credentials ang mga bumabatikos sa kanya. They were riding on the coattails of her successful job as a Vice President.

Imagine, pati pananamit niya at pagsuot ng eyeglasses ay ginawang issue. Dahil ba sanay ka sa paghuhubad kaya ka ganyan?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bakit kailagang punahin ang pananamit ni VP Leni? Wala na ba siyang karapatan na suotin ang nais niyang suotin? Ikaw ba, gusto mo bang diktahan ka sa kung ano ang dapat mong suotin?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending