Mga ginang na beauty queen tuloy sa pagtulong sa gitna ng pandemya | Bandera

Mga ginang na beauty queen tuloy sa pagtulong sa gitna ng pandemya

Armin P. Adina |August 28,2020
facebook
share this

Mga ginang na beauty queen tuloy sa pagtulong sa gitna ng pandemya

Armin P. Adina - August 28, 2020 - 04:17 PM

Isang mapalad na pamilya ang kabilang sa mga nakatanggap ng biyaya mula kina (mula kana) Queen of Hearts Foundation President Mitzie Go-Gil at 2019 Mrs. Philippines Asia Pacific Intercontinental Glynes Evangelista Olbes, at (mula kaliwa) mga kalahok sa 2020 Mrs. Queen of Hearts Philippines pageant na sina Ivy Diana Manzo-Bo ng Cavite, at Sarima Paglas ng Maguindanao./FACEBOOK PHOTO

Walang anumang pandemya ang makapipigil sa ilang mga ginang sa paghahatid ng tulong sa mga nangangailangan.

Sa pangunguna ni Queen of Hearts Foundation President Mitzie Go-Gil, na siya ring hinirang na 2018 Mrs. Asia Pacific Tourism, nagbahagi sina 2019 Mrs. Philippines Asia Pacific Intercontinental Glynes Evangelist Olbes, at mga kalahok ng 2020 Mrs. Queen of Hearts Philippines pageant na sina Ivy Diana Manzo-Bo ng Cavite, at Sarima Paglas ng Maguindanao, ng tulong-pinansyal, gatas, diaper, at bitamina sa ilang piling benepisyaryo sa unang yugto ng “Dugtong Buhay Mission” na nilunsad sa Cavite noon Agosto 27.

Bago nito, naunang nang tumulak sina Go-Gil at Olbes sa Antipolo City para sa isang proyekto sa Cribs Foundation noong Agosto 20.

Sinamahan sila nina Inner Wheel Club Metro Premiere District 381 President Armillah Avila at 2020 Mrs. Queen of Hearts Parañaque Francesca Chin Yhang Park sa Cribs Foundation para sa kampanyang magbibigay ng “love, care, and support” para sa mga bata at sanggol sa pangangalaga ng foundation.

Nakatanggap ang Cribs Foundation ng mga bitamina para sa mga bata at tinedyer, gatas, milo, face masks, at mga bote ng alkohol.

Malugod na tinanggap ng isang opisyal mula sa Cribs Foundation (kanan) sina (mula kaliwa) Inner Wheel Club Metro Premiere District 381 President Armillah Avila, Queen of Hearts Foundation President Mitzie Go-Gil, 2019 Mrs. Philippines Asia Pacific Intercontinental Glynes Evangelista Olbes, at 2020 Mrs. Queen of Hearts Parañaque Francesca Chin Yhang Park sa pasilidad ng pangkat sa Antipolo City./FACEBOOK PHOTO

Nagdaraos ang Queen of Hearts Foundation ng dalawang beauty contest, para sa mga single at para sa mga may asawa, na pumipili ng mga kinatawan ng Pilipinas para sa iba’t ibang pandaigdigang patimpalak.

Naunan nang itinakda ang coronation ng 2020 Mrs. Queen of Hearts Philippines pageant noong Abril, ngunit naantala dahil sa pandemya.

Dahil dito, nagsagawa ang foundation ng mga online na preliminary competition upang masala ang 15 kalahok bago ang coronation program.

Nauna nang sinabi ni Go-Gil sa isang panayam na nagpasya ang board ng foundation na gawing live ang huling patimpalak, na nakasalalay sa magiging mga alituntuning ipapataw ng pamahalaan kaugnay ng mga live event alinsunod sa paiiraling quarantine sa darating na mga linggo.

Pipiliin sa patimpalak ang mga pambato ng Pilipinas para sa mga titulong Mrs. Worldwide, Mrs. Asia Pacific Global, Mrs. Asia Pacific All Nations, Mrs. Asia Pacific Tourism, Mrs. Asia Pacific Intercontinental, at Mrs. Asia Pacific Cosmopolitan ngayong taon, at sa korona ng Mrs. Global Universe sa 2021.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending