64% Botante pabor sa condom, RH bill; 90 % pabor sa population control
Lito Bautista, Executive Editor
MARAMING botante (64%) ang boboto sa mga politiko na sumusuporta sa Reproductive Health bill, sa paggamit ng condom para maiwasan ang pagkalat ng HIV-AIDS at pagpaplano ng pamilya, ayon sa survey ng Pulse Asia.
Ayon sa survey, 90% ang pabor na kontrolin na ang lumalaking populasyon.
Sa panig ng simbahang Katolika, baka kontrahin nila ang survey, dahil hindi naman sila tinanong. Pero, tulad ng karaniwang kaduda-dudang mga resulta ng survey, di na kailangan ang survey kung ang pag-uusapan ay ang 90 milyon populasyon natin ngayon. Kailangan pa bang mag-survey para masdan lang ang mga bata sa squatter?
Tama ang mga botante. Kailangang huwag nang palakihin ang populasyon dahil walang ibinibigay na hanap-buhay ang simbahan at konti na lang ang bukiring tatamnan ng pagkain para sa 90 milyon Pinoy.
Sa dami ng Pinoy, nakatanghod na ang gutom at di rin nagpapakain ang simbahan.
BANDERA, 031210
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.