ALJUR ‘PATAY’ kay BINOE kapag pinaiyak at sinaktan si KYLIE | Bandera

ALJUR ‘PATAY’ kay BINOE kapag pinaiyak at sinaktan si KYLIE

Ervin Santiago - August 22, 2013 - 03:00 AM

Habang wala pang regular na trabaho sa GMA 7, balak daw munang pumunta ng Australia ang dalagang anak ni Robin Padilla na si Kylie Padilla. Gusto niyang dalawin ang kanyang ina at kapatid doon na matagal na niyang hindi nakikita.

Sa Sunday All Stars lang kasi napapanood si Kylie at wala pa siyang alam kung ano ang susunod niyang project sa Siyete. Ang huli pa niyang ginawang serye sa GMA ay ang Unforgettable with Mark Herras.

Inamin ni Kylie sa isang interview na medyo naiinip na siya dahil almost four months na siyang walang regular work. Pero nilinaw niya na hindi siya galit sa GMA, alam naman daw niya na marami ring artista ang Kapuso network na kailangang bigyan ng atensiyon, pero umaasa siya na bago matapos ang 2013 ay magka-teleserye na uli siya.

Tungkol naman sa pagtatambal muli ng boyfriend niyang si Aljur Abrenica at Kris Bernal, hindi ito issue sa dalaga ni Binoe. Alam daw niyang trabaho lang ang ginagawa ng kanyang boyfriend at malaki ang tiwala niya rito.

Aniya pa, walang pressure sa relasyon nila ni Aljur, at pareho na silang nag-mature kaya maayos na maayos ang kanilang samahan.

In fairness, nu’ng makita namin one time sina Kylie at Aljur na kumakain sa isang restaurant, bagay na bagay naman sila. At talagang alagang-alaga ni Aljur si Kylie, ha! Naku, takot lang ng Kapuso actor kay Robin kapag sinaktan at pinaiyak niya si Kylie. Ha-hahaha!

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending