Epal na bashers tinalakan ni Kris; Bea nag-share ng tips sa gustong mag-business | Bandera

Epal na bashers tinalakan ni Kris; Bea nag-share ng tips sa gustong mag-business

Ervin Santiago - August 26, 2020 - 09:39 AM

HALATANG super bad trip na ang Kapuso actress na si Kris Bernal sa mga netizens na walang ginawa kundi laitin ang kanyang kapayatan.

Sa kabila ng pagpapaliwanag ng dalaga kung bakit hindi nadadagdagan ang timbang niya ay hindi pa rin siya tinatantanan ng bashers.

Sa latest Instagram Story ni Kris, muli niyang ibinandera sa publiko ang kanyang super toned body habang nagwo-workout.

Sa caption na inilagay niya sa litrato, ramdam na ang pagkapikon ng akttes. Aniya, “Stop telling me to eat or what I should eat. You’re not my mother.”

Hirit pa niya, “I’m fed up with this kind of people that are trying to shame me into eating more.”

Sa isa pa niyang post, pinagsabihan uli ng dalaga ang mga taong nag-aalala sa kanyang katawan na anila’y sobrang payat na at mukhang hindi na healthy.

“[If] you’re concerned, don’t worry. My doctor says that I’m perfectly healthy and that I need to add more more more calories to my meals because my metabolism is insane,” diin niya.

Sinabi rin ni Kris na ang katawan niya ngayon ay, “…no skin and bones, I’m skin and muscles.”

Dagdag niya, tanging ang mga “fitness enthusiasts” lang siguro ang makakaintindi sa mga ginagawa at sinasabi niya.

                          * * *

Sa Facebook video ni Kapuso PR Girl, natanong si Bea Binene kung ano ang maibibigay niyang tips  para sa mga gustong mag-business tulad niya.

Sey ng aktres, “First, kailangan passionate ka sa business mo. Based on my experience, it will not be an easy journey.

“May challenges talaga na darating sa yo kaya dapat passionate ka para kahit mahirap, gagawin mo pa rin ‘yung best mo at mahal mo yung negosyo mo,” aniya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dagdag na tip ni Bea, dapat ay maging open din sa feedback. Aniya, “Don’t forget to ask suggestions from other people like your friends and customer, at dapat open kang tanggapin ‘yung feedback nila.

“Higit sa lahat, bago may maniwala sa produkto mo, dapat ikaw muna mismo naniniwala ka sa produkto mo.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending