Golden Cañedo kinakarir ang LDR sa non-showbiz BF: Mahirap po talaga pero kinakaya | Bandera

Golden Cañedo kinakarir ang LDR sa non-showbiz BF: Mahirap po talaga pero kinakaya

Ervin Santiago - August 24, 2020 - 09:41 AM
SA edad na 18, pinayagan na ang Kapuso singer na si Golden Cañedo ng kanyang magulang na magka-boyfriend. Ayon kay Golden, napakaswerte niya dahil pinagkakatiwalaan siya ng kanyang parents at suportado ng buong pamilya ang relasyon nila ni Martin Raval. Pero alam n’yo ba na bago siya ligawan ng boyfriend, una muna nitong kinilala at sinuyo ang kanyang mommy. Aniya, una silang nagkakilala ni Martin sa concert tour ng Studio 7 sa Amerika.

“At first hindi po ako ‘yung nakakilala sa kanya. Ang una po talagang nakakilala sa kanya, ‘yung mom ko, so mas una niya pong niligawan ‘yung family ko kumpara sa akin,” pahayag ng dalaga sa panayam ng GMA.

“After na nakilala niya nang husto ’yung mom ko, dito na po siya nag-chat sa akin, dito na po kami nagkausap, then ‘yun po, tinest po namin kung gaano po siya kaseryoso,” patuloy na chika pa ng Tha Clash Season 1 grand champion.

Kuwento pa ni Golden, pinatunayan ni Martin na seryoso ito sa panliligaw sa kanya nang pumunta ito sa Pilipinas mula sa New York para mas magkakilala sila nang husto.

“Chance encounter din po yung nangyari. Nagkita din po kami doon and then doon po na nag-start na nag-DM siya sa Instagram.

“Siguro it’s God po talaga, may plan po talaga si God and reason kung bakit po napunta siya sa life ko,” kuwento ng biriterang singer.

Sa ngayon, kinakaya naman daw nila ang LDR o long distance relationship, “Sobrang guided po kami ng parents namin. Sobrang supportive po nila sa akin kasi alam natin ang LDR super hirap sa edad po namin ngayon.

“So, siguro po nang dahil sa family ko rin and family niya kung bakit kami hanggang ngayon nagka-first anniversary ng dahil din po sa pamilya ko kasi hindi rin po kami pinabayaan.

“Sobrang happy ko po ngayon kasi binigyan pa ako ni God ng way pa para mas sumaya,” lahad pa ni Golden Cañedo.

Samantala, ipinost naman ni Golden sa Instagram ang ipinadala sa kanyang bouquet of roses ni Martin with matching anniversary cake.

May paandar pa ang binata para kay Golden kung saan nag-decorate pa ito ng pader na pinuno niya ng red and white balloons  kung saan nakadikit ang photos nila ng dalaga.

“I love you. Happy anniversary. Surprise for my baby @thegoldencanedo,” caption ni Martin sa litrato.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sagot naman sa kanya ni Golden, “Happy 1st Anniversary Babe. Thanks for your effort. We will do our best to be strong always, (to) achieve our goals and dreams. Thanks to our families who are always there for us and guide us no matter what. I am so happy too because we know how to put GOD FIRST ALL THE TIME. Hope more years for us.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending