Gerald walang lovelife; inuubos ang panahon sa pag-aayos ng nabiling resort | Bandera

Gerald walang lovelife; inuubos ang panahon sa pag-aayos ng nabiling resort

Reggee Bonoan |August 21,2020
facebook
share this

Gerald walang lovelife; inuubos ang panahon sa pag-aayos ng nabiling resort

Reggee Bonoan - August 21, 2020 - 03:52 PM

KATUWANG ni Gerald Anderson ang ama, kapatid na lalaki at mga kaibigan sa pag-aayos ng nabiling resort sa Zambales na mayroon ng swimming pool at mga kubo.

Sa napanood naming vlog ng aktor sa kanyang YouTube channel ay pinipinturahan na niya kasama ang kaibigan ang gilid ng pool na nakaharap sa dagat.

Ayon sa kaibigan ni Ge na kumukuha ng video ay nabili ng aktor ang resort at dini-develop niya ito para gawing bakasyunan kapag napagod siya sa trabaho sa Maynila.

Ipinakita ang anim na kubo na tinutulugan nilang magkakaibigan na kasya ang dalawang bunk bed dahil ang pinaka-main house ay hindi pa gawa.

Sanay sa trabaho talaga ang aktor dahil siya mismo ang nagwawalis, naglalagay ng mga bermuda grass, at nagbuhat din ng kubo para ilipat.

Napansin namin kay Gerald sa bawa’t ginagawa niya ay sasaglit siyang mag-exercise pampalakas daw ng katawan at saka ulit babalik sa trabaho.

Mukhang nakakalakas nga ng katawan dahil halos lahat ng kaibigan ni Gerald ay bagsak na, ‘yung isa ay nahilo kaya nakatulog sa may pintuan ng shower room na walang latag, at ang isa ay nasa kubo na tulog din habang minamasahe.

Kung ibabase mo ang itsura ni Gerald na pawisan, may putik ang mga paa at kamay at binalot ng t-shirt ang ulo dahil sobrang init ay hindi mo aakalaing artista siya.

Ito ‘yung laging sinasabi ng aktor na gusto niya ang buhay probinsya dahil nagagawa niya ang mga gusto niyang gawin.

Oo nga, kapag nandito sa Maynila ay hindi siya puwedeng lumabas ng ganu’n ang itsura dahil tiyak na pagtitinginan siya, pero sa inilabas niyang vlog ay makikita ng publiko kung sino talaga si Gerald Anderson.

Anyway, may sitsit ang isang source sa amin, “Loveless si ‘Ge kaya ibinuhos niya sa resort ang lahat ng panahon niya.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending