GMA reporter Chino Gaston naka-recover sa COVID: Sobra na ang pag-iingat...pero nahawa ka pa rin | Bandera

GMA reporter Chino Gaston naka-recover sa COVID: Sobra na ang pag-iingat…pero nahawa ka pa rin

Ervin Santiago - August 20, 2020 - 03:30 PM

KAHIT gaano pa katindi ang pag-iingat na ginagawa niya habang nasa coverage, nahawa pa rin ng COVID-19 ang GMA news reporter na si Chino Gaston.

Makalipas ang tatlong linggong pananatili sa isang quarantine facility, naka-recover na rin sa coronavirus disease 2019 ang Kapuso journalist.

Sa nakaraang episode ng “Frontliners” ng GMA, sinabi ni Chino na nagpositibo siya sa virus nitong July matapos siyang magpa-swab test sa Mandaluyong.

“Naisip ko rin siyempre, paano kapag nag-positive ako, di ba? Ang belief ko kasi parang it’s only a matter of time.
“Those who are out in the field, kahit gaano kaingat, eventually, madadapuan sa madadapuan,” simulang pahayag ng Kapuso reporter.
Tulad ng ibang pasyente, ilan sa symptoms ng COVID-19 na naramdaman niya ay ang pagkawala ng panlasa at pang-amoy. Dahil dito, agad siyang nag-self isolate.

Nang magpositibo sa virus, agad na siyang dinala sa quarantine facility za Marikina Hotel and Convention Center.

Aminado si Chino na hindi siya masyadong nag-alala na mahawa habang nasa coverage dahil well-protected naman sila ng kanyang crew.
“Sinasabi nga, di ba, feeling immortal ka. Di ba kasi hindi ka dadapuan noong sakit kasi parang kapag nandoon ka sa field, alam mo, possible, pero hindi mo maisip talaga na actually mangyayari sa ’yo. Nag-iingat ka, pero hindi, eh,” aniya.

Inisip din niya na bakit nahawa pa rin siya sa kabila ng pagsunod sa lahat ng safety protocols idagdag pa ang kanyang active lifestyle.

“Feeling ko, physically fit. ’Yun naman ’yung sinasabi ’di ba, pag malakas ang resistance mo, physically, malamang sa hindi, hindi ka dadapuan.

“I survived four months na not a sign of infection. Negative ako sa RTK (rapid test kit) ever since. Pero in one flash, in one instant, nahawa ako,” lahad pa niya.

Patuloy pa niya sa nasabing panayam, “’Yung bala kasi, puwede mong iwasan, puwede mong paghandaan. You can arm yourself against being put in a situation na puwede kang mamatay sa giyera or sa conflict.

“Dito, wala, e. Puwede kang dapuan ng sakit anywhere you go. It isn’t a matter of whether prepared ka o hindi.

“Parang ito, wala kang choice, e. Hindi ka puwedeng magtago, hindi ka puwedeng tumakbo kasi it’s all around us,” dagdag pa niya.

Masayang pahayag pa ng reporter, “After 21 days dito sa quarantine facility ng Marikina, dumating na ’yung test results ko. Bale pangalawang swab test ’yun and this time around negative ’yung resulta so ibig sabihin puwede na akong umuwi.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mensahe naman niya para sa lahat, “Magsilbing aral ito na kahit sino talaga, regardless of yung physical condition ay puwedeng mahawa sa sakit na ’to.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending