Kilalang aktres binalaan sa bagong dyowang aktor: Desperada na ba siya o syunga lang talaga?
IMBES na matuwa ang mga kaibigan ng kilalang aktres na nakatagpo na ulit siya ng bagong magmamahal sa kanya, awa ang nararamdaman nila ngayon.
Sabi ng mga close friends niya, hindi siya dapat nagmadali na magkaroon ng boyfriend dahil hindi worth it ang guy.
Hindi boto ang mga kaibigan ng kilalang aktres sa bago nitong boyfriend dahil kilala raw nila ang guy na isa ring artista.
“Ano bang nangyari kay _____ (kilalang aktres), desperada na ba o syunga lang talaga?
“Ang dami namang ibang may gusto sa kanya bakit doon pa sa lalaking yun siya napunta?
“Kilala si guy na user-friendly hindi ba niya alam ‘yun? Hindi ba niya nababalitaan ang mga sinasabi tungkol sa lalaking yun? O baka nagbubulag-bulagan?
“Hindi ba siya nagtataka, wala naman negosyo pero sunod sa luho? At heto pa may nabalitaan ba tayong nagkaroon siya ng girlfriend?” ang sunud-sunod na sabi ng aming source.
Hirit namin, baka naman hindi lang ma-post ang boyfriend ngayon ng kilalang aktres ng mga naging dyowa niya noon.
“Wala talaga, check mo social media accounts niya,” hamon pa sa amin.
Tsinek namin ang socmed ng guy, oo nga waley at puro mga kaibigan ang kasama na namamasyal kung saan-saan.
Parang hindi rin namin nabalitaang naging abala siya sa trabaho o negosyo.
“Meron siyang pinagkaka-abalahan,” sabi ng kausap namin, “Ang pagdyi-gym!”
In fairness, ang ganda nga ng katawan niya, baka ito ang nagustuhan ng kilalang aktres na maraming pandesal sa katawan na sabi nga ng iba, “ulam na” at kanin na lang ang kulang.
“Sana kumuha si ______ (kilalang aktres) ng lalaking kaya siyang buhayin at maipagmamalaki niya kahit sino pa ang kaharap nila,” huling sabi sa amin.
Bigla ko tuloy binalikan ang social media account ni guy at ng kilalang aktres, in fairness bagay naman sila pero parang may something na hindi namin maisip pa hanggang matapos naming sulatin ang balitang ito.
Ikaw na bossing Ervin ang mag-isip kung anong “something” sa dalawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.