Maymay: Ang lovelife nandiyan lang yan...hahanapin ko muna ang sarili ko bago magmahal uli | Bandera

Maymay: Ang lovelife nandiyan lang yan…hahanapin ko muna ang sarili ko bago magmahal uli

Alex Brosas - August 20, 2020 - 02:52 PM

BILANG Master Lovecaster DJ Zari sa podcast anthology na “Listen To Love” kung saan tampok ang unang story titled “The Four Bad Boys and Me”  ay natanong si Maymay Entrata kung ano ang kanyang magiging process of elimination kapag nagkaroon siya ng apat na suitors.

“Tayong mga babae meron tayong sinet na standard.  Para sa akin dahil naka-set na iyon ay hindi na mahirap mag-eliminate,” say ng dalaga.

When pressed to explain, she said, “Hindi ako ganoon sir.  Siguro kapag nakita ko silang bad boy, ba’t ko pa sasayangin ang oras ko. Pero kung willing magbago, nakikita ko namang willing magbago, why not?” paliwanag ni Maymay.

Nami-miss niya ba na magka-BF? “’Yung love life, nandiyan lang naman yan.  Bata pa naman ako, 23 lang ako,” say ng dalaga.

“Hahanapin ko muna ang sarili ko bago ako magmahal uli. Pupunuin ko muna ang pagmamahal sa sarili ko at magpo-focus muna ako  more sa relationship ko with God kasi nga  God is love.

“Siya ang nagbibigay ng love at kapag feeling ko napupuno na Niya iyon ay saka na ako magbibigay ng love para  ‘pag nagmahal ako ay hindi na ako magde-depend sa isang tao para pasayahin niya ako.

“Anytime, kapag iiwan niya ako, kaya ko kasi nga puno ako ng pagmamahal sa Panginoon, sa mga tao sa paligid ko at sa sarili ko,” dagdag pa ng screen partner ni Edward Barber.

                           * * *

Raratsada na ang mga patok na ABS-CBN teleserye sa Africa, Latin America, at Asya simula ngayong taon.  Kasama na rito ang “Brothers (FPJ’s Ang Probinsyano),” “The Heiress (Kadenang Ginto),” “Destined Hearts (Dahil May Isang Ikaw),” at “The General’s Daughter.”

Labing-apat na palabas ng ABS-CBN ang aarangkada sa Africa.  Ito ay ang “Brothers” (FPJ’s Ang Probinsyano) ni Coco Martin, “The Heiress” (Kadenang Ginto) nina Dimples Romana at Beauty Gonzales, “The General’s Daughter” ni Angel Locsin, “La Luna Sangre” nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, “The Killer Bride” ni Maja Salvador, “Mea Culpa” (Sino Ang May Sala?) nina Jodi Sta. Maria at Bela Padilla, “Love Thy Woman” nina Kim Chiu, Xian Lim, at Yam Concepcion, “Fists of Fate” (Sandugo) nina Aljur Abrenica at Ejay Falcon, “A Soldier’s Heart” ni Gerald Anderson, “A Mother’s Guilt” (Hanggang Saan?) nina Sylvia Sanchez at Arjo Atayde, “Secrets of El Paraiso” (Araw Gabi) nina JM de Guzman at Barbie Imperial, “Two Hearts” (Sana Dalawa ang Puso) nina Jodi, Robin Padilla, at Richard Yap, at “Since I Found You” na pinagbibidahan nina Piolo Pascual at Arci Munoz.

Sa Latin America, matutunghayan ang “Destined Hearts” (Dahil May Isang Ikaw) nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa sa Ecuador ngayong Agosto.  Ikatlong palabas ng ABS-CBN na ito na mapapanood sa Ecuador, kasunod ng “Bridges of Love” at “Pangako Sa’Yo” (The Promise).

Sa Asya naman, nakatakdang magkaroon ng Indonesian remake ang “Love Thy Woman” at patuloy namang napapanood sa Myanmar ang “Los Bastardos,” “Sandugo” (Fists of Fate), at “Two Hearts” (Sana Dalawa ang Puso).

Ipapalabas din sa Pacific Islands ang “Since I Found You” at “Two Hearts” (Sana Dalawa ang Puso) ngayong Agosto at Setyembre.

Samantala, maging mga pelikula ng ABS-CBN ay mapapanood din sa ibang bansa. Ipalalabas ang “Dear Other Self” na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Xian Lim, at Joseph Marco sa Brunei. Matagumpay na ipinalabas kamakailan ang “My Perfect You” at “Barcelona” sa Vietnam.

Kilala ang ABS-CBN sa paglikha ng highest-rating na mga programa sa Pilipinas at paghatid ng mga dekalibreng Pilipinong palabas sa iba’t ibang bansa sa pamamagitan ng ABS-CBN International Distribution.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kamakailan ay inilunsad ng ABS-CBN ang Kapamilya Channel sa cable at satellite TV at ang Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook ng ABS-CBN Entertainment matapos hindi ito bigyan ng prangkisa para makapag-brodkast sa free TV at radyo. Napapanood din ang mga pelikula at palabas nito sa Internet sa iWant at TFC.

Sa ngayon, umabot na sa 50 teritoryo at 50,000 na oras ng content ang naabot at naipalabas ng ABS-CBN sa buong mundo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending