Michael Pacquiao walang paki sa bashers: Not everyone will like your stuff | Bandera

Michael Pacquiao walang paki sa bashers: Not everyone will like your stuff

Ervin Santiago - August 16, 2020 - 01:12 PM

 

TANGGAP ng anak ni Sen. Manny Pacquiao na si Michael ang pamba-bash sa kanya ng mga haters sa social media.

Kung maraming napabilib at napa-wow sa galing ni Michael na kumanta at mag-rap, nay mga nangnega rin sa kanya at binato ng kung anu-anong masasakit na salita.

Pero para sa binata, hindi niya maiiwasan ang mga ganitong uri ng pambabatikos dahil alam niyang kahit anong gawin niya ay talagang may titira at titira pa rin sa kanya.

Biglang-sikat at naging instant idol ng bayan ang anak nina Sen. Manny at Jinkee Pacquiao matapos i-release ang kanyang 11-track rap album, kung saan nakapaloob ang sikat na sikat na ngayong “Hate”.

Ayon kay Michael, ayaw niyang magpaapekto sa mga bashers lalo na ang mga nagsasabing hindi naman siya mapapansin o mabibigyan ng espesyal na atensyon kung hindi siya anak ni Pacquiao.

“I understand naman na it’s part of it. It’s part of the journey na you can’t please everyone. Not everyone will like your stuff,” sabi ni Michael sa isang TV interview.

Aniya pa, ipagpapatuloy lang niya ang paggawa ng mga kanta at pagpe-perform para sa lahat ng mga naniniwala sa kanyang talent.

“A lot of people message me na, ‘Yo, I’m inspired and motivated also. Thank you for the songs you make.’

“It’s just I do it for them as well. It affects me because that’s how I dreamed of it, sharing my talent to inspire and to help other people through what I do.

“And I’m glad that’s happening now,” pahayag pa ni Michael Pacquiao sa panayam ng GMA.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At siyempre, tuwang-tuwa rin sina Manny at Jinkee sa kanilang anak, “They’re really proud. They’re happy. They congratulated me. It’s really surprising how in a few days, it already reached millions.”

Ang tinutukoy niya ay ang 9 million views na nakuha ng kanyang “Hate” performance sa Wish bus.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending