Magnitude 5.4 na lindol sa Batanes
Ulat ng Bandera at Radyo Inquirer - Bandera August 16, 2020 - 12:55 PM
Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang Batanes, Linggo ng umaga.
Sinabi ng Phivolcs na namataan ang episentro ng lindol sa layong 57 kilometers Southeast ng Sabtang bandang 10:53 ng umaga.
May lalim ang lindol na dalawang kilometro at tectonic ang origin.
Hindi naman nagdulot ng pinsala ang lindol sa Sabtang at iba pang karatig-bayan.
Ngunit, paalala ng Phivolcs, posibleng makaranas ng aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending