#BlessingsPaMore: SB19 pasok sa Top 2 Billboard Social 50, ika-6 sa Emerging Artists chart | Bandera

#BlessingsPaMore: SB19 pasok sa Top 2 Billboard Social 50, ika-6 sa Emerging Artists chart

Ervin Santiago - August 12, 2020 - 01:43 PM

 

BINABAGYO pa rin ng blessings ang award-winning P-Pop group na SB19.

Tuloy ang paggawa ng ingay at marka ng grupo nina Sejun, Josh, Stell, Justin at Ken hindi lang sa Philippine music industry kundi pati na rin sa iba’t ibang panig ng mundo.

Dahil sa tagumpay na tinatamasa ngayon ng bagong album ng SB19, ang “Get In The Zone”,  hataw na naman sila ngayon sa Billboard Charts.

Pasok sa number 2 spot ng Social 50 chart ang grupo habang nakuha naman nila ang ika-6 na pwesto sa Emerging Artists chart.

Siyempre, agad na nagpasalamat ang mga members ng SB19 sa kanilang mga fans sa bago na naman nilang achievement.

Alam nilang hindi ito mangyayari kundi dahil sa tulong, suporta at pagmamahal ng milyun-milyon nilang supporters.

“A’TIN, it’s hard 2 believe! Thank you for supporting and loving our music unconditionally.

“Let’s be each other’s safe place, shoulder to cry on, happy pill and reason to smile. We can do this as long as we are 2gether,” ang mensahe ng SB19 sa Instagram.

Ang Billboard Social 50 ay ang ranking ng “most active musical artists on social networking sites around the world” habang ang Emerging Artists chart naman ang listahan ng “most popular developing artists of the week.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kamakailan lang, ang album ng SB19 na “Get In The Zone” ay pumasok sa Apple Music Top Charts pati na sa Original Pilipino Music section.

Ilang oras pa lang matapos itong i-release ay pumasok agad ito sa Top 100 ng US iTunes Albums chart habang number one rin sila sa Philippine Albums chart bukod pa sa pangunguna nito sa Singapore, Qatar at UAE.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending