Bea biktima ng ghosting at gaslighting: Feeling ko basura ako! | Bandera

Bea biktima ng ghosting at gaslighting: Feeling ko basura ako!

Ervin Santiago |August 12,2020
facebook
share this

Bea biktima ng ghosting at gaslighting: Feeling ko basura ako!

Ervin Santiago - August 12, 2020 - 09:10 AM

 

 

PASABOG ang mga naging pahayag ni Bea Alonzo tungkol sa last boyfriend niya na umano’y nanloko at basta na lang nang-iwan sa kanya.

Sariwa pa rin sa alaala ng Kapamilya actress ang ginawa sa kanya ng tinutukoy niyang ex-boyfriend ngunit ipinagdiinan niya na naka-move on na siya rito.

Binalikan ni Bea ang kanilang break-up sa panayam ng TV and movie writer na si G3 San Diego, “Nagulat din ako. Actually alam mo ‘yung nagpaalala sa akin, na-ghost kasi ako nu’ng first day nu’ng scriptwriting workshop ko with Ricky Lee.”

“Naaalala ko kasi ‘yun buong araw parang 10 a.m. ‘yung class tapos pumunta ako du’n tapos siyempre may mga nangyari before that. Pumunta ako na akala ko may kikitain pa ako after tapos wala na pala.

“So, nag-celebrate kami ng first anniversary nu’ng batch namin and then I remembered, naalala ko ‘yung damit na ‘to, ‘yung mukhang ‘yan. Grabe. So, sabi ko one year na. Parang gusto kong mag-Happy Halloween sa mga tao,” lahad ng dalaga.

Pumayag siya na pag-usapan ang issue dahil, “Ibig sabihin moved on na ako kaya nasasabi ko na nang ganu’n ganu’n lang.”

Sa tanong kung anong break-up ang pinakamasakit sa kanya, “Siguro the last one that happened to me, without any reason why. I don’t even know what I did.

“I feel like it was unfair because kung may mali ako, sana maitama ko. ‘Yung parang feeling ko it’s just having no respect for the relationship siguro ‘yun ‘yung pinakamasakit,” chika ni Bea.

“I think it’s not just the ghosting part that’s painful. I think it’s the chapter leading to that,” aniya pa.

Ayaw na umanong magsalita ni Bea tungkol sa isyu ngunit naisip niya na baka sakaling makatulong ito sa may mga pinagdadaanan katulad niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I don’t want to get in trouble pero baka makatulong din sa mga nanonood. But have you ever heard of the term gaslighting? Hindi lang ako ginost.

“I was gaslighted. I felt like garbage. I felt like I was worthless. So I guess ‘yun ‘yung resentment ko, more than just the ghosting part,” ani Bea.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending