Babala ng oposisyon: Cha-cha ay pro-China, pro-political dynasty | Bandera

Babala ng oposisyon: Cha-cha ay pro-China, pro-political dynasty

Karlos Bautista - August 06, 2020 - 08:52 PM

Richard A. Reyes/Inquirer

Ang isinusulong na Charter change sa Kamara ay pabor sa expansionist na tunguhin ng China sa West Philippine Sea at pabor sa political dynasty.

Ito ang mahigpit na babala nina House Deputy Minority Leader Carlos Zarate at Bayan Muna chair Neri Colmenares sa isang pahayag ngayong Huwebes.

Sinabi nila na sa panukalang pagbabago sa 1987 Constitution ng Inter-Agency Task Force on Federalism and Constitutional Reform at ng  Department of the Interior and Local Government (DILG) pati na rin ng League of Municipalities of the Philippines (LMP), maraming probisyon na nagpoprotekta sa yaman ng bansa ang tinanggal.

“Inalis dito ang requirement na nakasaad sa Section 2 Article XII ng 1987 Constitution na nagsasabing ang ‘ekspolorasyon, pagpapaunlad at paggamit ng likas na yaman’ ay maaari lamang isagawa ng Estado sa pamamagitan ng  joint ventures “sa Pilipino o mga korporasyon na ang pagmamay-ari ay di bababa sa 60% na sa Pilipino,” ayon kay Colmenares.

Sa ganito, wala nang hadlang ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na magsagawa ng joint exploration sa pamahalaan ng China o sa mga kumpanyang pagmamay-ari ng mga Chinese, wika pa nya.

Hinikayat ng dalawang opposition figures ang mga mamamayang Filipino na maghanda sa matinding laban sa pro-China at pro dynasty Charter change sa mga nalalabing taon ni Duterte sa puwesto.

“Sa Cha-cha, tinanggal din ang probisyon sa ilalim ng Section 2 na nagre-require sa Pangulo na i-notify ang Konggreso sa anumang kontranta na papasukan nito ayon sa probisyong ito. Sa ganito, binubuksan ang bansa sa mga berbal na kasunduan sa China at magpapahintulot sa kanilang pangingisda sa West Philippine Sea,” wika ni Colmenares.

Samantala, sinabi naman ni Zarate na ang Cha-cha ay may mga probisyon na tinatanggal ang pagbabawal sa political dynasty at nagpapalawig sa panunungkulan ng mga halal na pulitiko.

“Ang Cha-cha ay hindi para sa benepisyo ng mga Pilipino kundi para lamang sa mapagsilbihan ang interest ng mga pulitiko. Ang Cha-cha na ito ay pro-China at pro-political dynasty,” anang Davao-based solon

“Tinatawagan namin ang mamamayang Pilipino na maghanda para labanan ang Cha-cha sa mga nalalabing taon ni Pangulong Duterte sa Malacañang. Kung sama-sama, kaya nating magapit ang planong ito,”  pagwawakas ni Zarate.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending