#Trip-TripLang: 5 lady director nagchikahan tungkol sa 'pototoy' | Bandera

#Trip-TripLang: 5 lady director nagchikahan tungkol sa ‘pototoy’

Reggee Bonoan - August 06, 2020 - 02:45 PM

IN-UPLOAD na ni Direk Cathy Garcia- Molina ang part two ng kanyang “Girls Wanna Have Fun” video na may titulong “Paha-Bowl” kung saan bubunutin virtually ang mga questions.

Kasama pa rin niya rito as guests ang mga kapwa direktor na sina Mae Cruz-Alviar, Irene Villamor, Sigrid Andrea Bernardo at Antoinette Jadaone na mapapanood sa Nickl Entertainment YouTube channel.

Ang unang tanong, “Ano ang gagawin mo kung paggising mo lalaki ka na?”

Pilya ang sagot ni Direk Sigrid, “Ang una kong gagawin titingnan ko muna ‘yung ano ko (private part). Siyempre titingnan ko kung mahaba o ano kasi importante ‘yun ‘no? At kung nakapaling sa kaliwa. Ha-hahaha! Puwede na rin.”

Nagkatawanan naman ang limang direktora sa sagot ni Sigrid.

Hirit naman ni direk Cathy, “Oo nga baka kasi ang liit ng ipinagkaloob sa ‘yo (sabay muwestra ang laki). Kung naging lalaki ako paggising ko, iisipin ko agad paano ‘yung partner ko, e, di bading? So magbabadingan na kami, ano ba ‘tong mga tanong na ‘to?”

Say naman ni direk Mae, “Wiwi muna ako kasi siyempre kakagising lang, tapos gusto kong malaman kung totoo ‘yung (muwestrang kinikilig pagkatapos umihi ng mga lalaki).”

Si direk Tonette naman, “Parehas lang ng kay Sigrid, parang ganu’n, naunahan lang ako. Ha-haha! Ganu’n din gagawin ko, di ba tiningnan muna niya (Sigrid).”

“(Titingnan) at hahawakan ko,” say naman ni direk Irene. “Oo check ko kung may nakasabit, maglalakad-lakad (ako).”

Dagdag pa ni direk Cathy, “Parang uncomfortable na meron sa pagitan ng hita mo.”

“Oo, eh, ang pangit,” sagot kaagad ni direk Irene.

Kakaaliw panoorin ang limang direktora tungkol sa mga tanong na hindi nila inaasahan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marami pang kasunod….abangan!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending