Tom payag magpakasal kahit may COVID-19 pandemic: Pero ayaw ni Carla!
GAME na game na sumabak sa “GusTOMoba” challenge ang Kapuso actor na si Tom Rodriguez nang mag-guest sa “Unang Hirit” recently.
Iba’t ibang questions ang sinagot ni Tom, pero ang pinakaespesyal ay nang matanong siya kung handa siyang pakasalan ang longtime girlfriend na si Carla Abellana sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sagot ng aktor, “Ako, okay lang. Kaso nu’ng tinanong ko siya, definitely no.”
Pero naiintindihan naman daw ni Tom na gusto ni Carla na maging special ang wedding day nila pero hindi na niya idinetalye kung ano ang dream wedding ng aktres.
“Ako, my only dream is to be the one next to her. That’s my only requirement. Siyempre, I want it to be special for her,” esplika ng Kapuso hunk.
Pero mukhang sa simbahan na rin talaga ang tuloy ng Kapuso couple at feeling namin mangyayari na yan very, very soon.
Samantala, napapanood pa rin sina Tom at Carla sa rerun ng “My Husband’s Lover” tuwing Linggo ng gabi sa SNBO.
* * *
Mas maaga na ang weekend bonding kasama ang Legaspi family dahil sa pinaagang timeslot ng Saturday morning talk-variety show na “Sarap, ‘Di Ba?” simula ngayong Sabado (Aug. 8), 10 a.m., sa GMA.
Makisaya sa unli-chikahan, easy recipes, at fun activities nina Carmina Villarroel, Mavy, Cassy at Zoren Legaspi na siya mismong direktor ng Bahay Edition ng “Sarap, ‘Di Ba?” na kinunan mismo sa kanilang tahanan.
Hindi rin dapat palampasin ang Kapuso stars na makikisaya at magbabahagi ng kanilang pinagkakaabalahan sa gitna ng quarantine.
Abangan ang masayang birthday celebration ni Carmina on Aug. 15 kasama ang buong pamilya!
Bukod sa fresh segments, abangan ang 5K Giveaway Promo na naghihintay para sa mga loyal viewers, baka ikaw na ang susunod na manalo. Gawing mas masigla ang simula ng inyong weekend at tumutok sa “Sarap, ‘Di Ba?”, 10 a.m., simula ngayong Sabado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.