outbrain

#FountainOfYouth: Netizens napa-wow sa katawan ni Korina, nakipagsabayan kina Nadine at Maja

By Ervin Santiago August 04,2020
share this

#FountainOfYouth: Netizens napa-wow sa katawan ni Korina, nakipagsabayan kina Nadine at Maja

By Ervin Santiago August 04,2020 - 12:58 PM

 

 

NAPA-WOW ang mga Instagram followers ni Korina Sanchez-Roxas sa latest swimsuit photo na kanyang ipinost recently.

In fairness, talaga namang palaban ang katawan ngayon ng veteran broadcast journalist na fit na fit at seksing-seksi.

Ayon kay Korina, effort kung effort ang ginagawa niya para ma-maintain ang kanyang ideal weight. Kinakarir talaga niya ang pagwo-workout at healty lifestyle.

Bukod sa pagiging adik sa swimming, binabantayan din niya ang kanyang diet, kailangan daw balanse ang lahat ng kinakain niya sa araw-araw.

Sa photo collage na ibinahagi ng Rated K host, makikita ang kaseksihan ni Korina with matching toned muscles na produkto ng regular niyang paglangoy.

“Just to report to you: From 118 days since Day One of lockdown on March 17: 121lbs pre COVID; down to 110 lbs in 2 months. “And I’ve been able to maintain. (that’s REAL challenge). 20-50g daily carbs only. SWIMMING. 5 lb weights. Kaya mo rin yan. #BestLife,” ang caption ng award-winning broadcast journalist sa kanyang IG post.

Puro positibong komento ang natanggap ni Korina mula sa netizens kabilang na ang ilang celebrities tulad ni Bea Alonzo. Anila, mukhang nakatagpo na rin ng “fountain of youth” ang batikang broadcast journalist.

Sey ng isa niyang follower, pwedeng-pwede raw siyang makipagsabayan sa bikini pictorial nina Maja Salvador at Nadine Lustre para sa isang clothing brand.

Comment ng isa pang netizen, talagang ayaw daw pakabog ng misis ni dating Sen. Mar Roxas habang marami naman ang nagsabi na siya raw ang bagong “dyosa” ng mga kababaihang nasa edad 50 pataas.

Kung matatandaan, pinayuhan ni Korina ang madlang pipol na huwag basta magda-diet nang hindi kumukonsulta sa doktor at kailangan talagang paghirapan ito.

“Kase ang pangarap ng iba, pumayat nang nakahiga lang.

“Won’t happen, sorry. No pain, no gain. Maybe consult your family doctor about your diet first.”

Samantala, ipinagdiriwang naman ng Beautéderm Corporation ang ika-11 anibersaryo nito sa isang kolaborasyon kasama si Korina Sanchez.

Ang TV host at news anchor ang bagong brand ambassador ng kumpanya na pag-aari ng super successful businesswoman na si Rhea Anicoche-Tan.

Matapos ang halos dalawang taong pagsasaliksik at aktwal na testing kay Korina ng Slender Sips K-llagen Collagen Drink, pumayag na siyang iendorso ito na aniya’y maaari ring matawag na “fountain of youth.”

“Marami ang nagtatanong kung bakit mukha akong bata para sa aking edad. Well, K-llagen is a healthy and delicious collagen drink that I take every day,” ani Korina.

“I am extremely proud to be part of this collaboration. Sa buong staff ng Beautéderm, sa amazing resellers at distributors, sa aming loyal users, at sa aking mahal na kaibigan na si Rei Tan, congratulations! Honored na maging bahagi ng iyong family,” pahayag pa ni Korina.

Ang collagen ay isang essential supplement na dahilan kung bakit rejuvenated ang ating katawan internally and externally.

“I welcome Ms. K with open arms and a happy heart. Idol ko siya. Mahal na mahal ko siya at grateful ako sa aming friendship at s akanyang tiwala.

“This is so exciting. Malaking karangalan na si Ma’am Korina ang nagre-represent sa produkto naming ito,” masayang pahayag ni Ms. Rhea na itinuturing na dream come true ang collaboration nila ni Korina.

Para sa karagdagang impormasyon at exciting updates sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram, i-like ang Beautéderm sa Facebook at mag-subscribe sa Beautéderm TV sa YouTube.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending