KRIS, IZA, VICE GANDA binalahura ng fans nina DENNIS at TOM | Bandera

KRIS, IZA, VICE GANDA binalahura ng fans nina DENNIS at TOM

Alex Brosas - August 20, 2013 - 03:00 AM


Natawa kami dahil naging big issue pala ang pagpapakuha ng photo nina Kris Aquino at Iza Calzado sa My Husband’s Lover stars na sina Dennis Trillo at Tom Rodriguez.

Sa isang photo ay napagitnaan si Kris nina Tom at Dennis while in another photo ay kasama ni Iza si Tom. They shared the photo sa kanilang fans through Instagram.

Naloka kami dahil hindi na raw talaga makayanan ng dalawa ang urge na magpakuha ng litrato kasama ang hottest stars ng GMA 7 ngayon, na sina Dennis at Tom nga.

Ang mga nag-comment, parang pinalalabas na nakiki-ride on sina Kris at Iza sa kasikatan ng dalawa. Nag-away-away ang mga fans sa isang website at talagang nagpalitan ng maaanghang na akusasyon.

“HANU BA NAMAN YAN HUWAG NIYO MASYADONG PAHALATA MGA KAPAMS HAHAHAHA NAKAKAHIYA NAMAN KAY ALING CHAROT AT LOLOPESTE.. HAHAHA KAWAWA NAMAN HAHA,” sabi ng isang nag-comment sa pagkakita ng picture nina Kris, Dennis, Tom and Iza.

“Hahahaha. feel na fel nila magpapicture ohh hahaha naku naman mga kapamilya panu ba yan?? hahaha alam na!” tili naman ng isa pa.

“KAWAWANG mga KAPAMILYA! HAHAHA. nagtaka pa sila kung bakit NO.1 ang GMA Telebabad. BHELAT pati mga kapamilya FAN din ng MHL! ALAM na!” pahabol ng isa pang maka-Kapuso.

May buwelta naman ang isang Kapamilya fan. Sabi nito, “Naks. Naman. Mis understanding lang yan. Baka nagpa picture lang c tom at dennis kina vice, kris at iza. Kasi alam natin na sikat cla. Para sumikat din ang dalawa (tom,dennis).

Sey naman ng isa pa, “Tignan nyo ang rating sa agb at kantar .diba number 1 ang kapamilya. Pati sa miss world nyo. Nakakabwesit. So pirated. BOBO MGA KAPUSO. hnd nag iisip.”

 ( Photo credit to Google )
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending