Matt Evans muling inaresto sa kasong physical abuse na isinampa ng ex-live in partner | Bandera

Matt Evans muling inaresto sa kasong physical abuse na isinampa ng ex-live in partner

Ervin Santiago - August 02, 2020 - 03:51 PM

 

INARESTO ng mga pulis ang aktor na si Matt Evans sa mismong bahay nito sa Lacson Avenue, Sampaloc, Manila.

Ito’y may kauganayan sa kasong  Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 na isinampa ng dati niyang live in partner.

Sa bisa ng warrant of arrest mula sa tanggapan ni Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 12 Presiding Judge Carmencita Lacandazo Logan, hinuli ang aktor ng mga tauhan ng Manila Police District kamakalawa.

Sa report ng Manila Police District-Warrant and Subpoena Section (MPD-WSS), dakong alas-11:30 ng umaga nitong Biyernes nang damputin si Matt.

Kung matatandaan, ito ang kasong isinampa laban kay Matt o Matthew Evans Nicolas sa tunay na buhay ng  dating kasintahan na si Johnelline Hickins noon pang 2012.

Dinala ang aktor sa MPD station at kailangang magpiyansa ng P36,000 para sa pansamantalang niyang kalayaan. Habang sinusulat ang balitang ito ay wala pang pahayag ang kampo ng aktor kung nakalabas na ito ng kulungan.

Una nang hinuli si Matt noong Oct 21, 2012 ss Pasig City dahil sa nasabi ring kaso at nakalaya pansamantala matapos magpiyansa.

Kasal si Matt sa negosyanteng si Riza Katrina Evans, na inaresto rin ng otoridad noong December, 2019 dahil sa kasong estafa. Nakalaya naman ito pansamantala matapos magpiyansa ng P30,000.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending