outbrain

Mikael, Megan sumabak sa Magulang Challenge; Jak rumaket bilang ‘alalay’ ni Barbie

By Ervin Santiago August 02,2020
share this

Mikael, Megan sumabak sa Magulang Challenge; Jak rumaket bilang ‘alalay’ ni Barbie

By Ervin Santiago August 02,2020 - 09:43 AM

 

 

NASUBUKAN ang parenting skills ng celebrity couple na sina Mikael Daez at Megan Young sa kanilang recent YouTube vlog.

Nangyari ang “challenge” noong bumisita ang nakababatang kapatid ni Mikael na si Alvaro sa kanilang bahay recently.

Last January ay ginulat ng dalawa ang netizens nang ibahagi nila ang kanilang intimate wedding ceremony sa Subic.

Excited naman ang kanilang followers na makita ang future baby nina Megan at Mikael at kung paano ang dalawa bilang magulang.

Sa latest vlog ni Mikael, naatasan ito ng mommy niya na pansamantala nilang bantayan ni Megan ang kanyang kapatid.

Game na game naman na tinuruan ng dalawa si Alvaro ng ilang Tagalog words habang nagmemerienda. Isiningit na rin ng Kapuso couple ang pagtuturo sa bagets na tamang paghuhugas ng pinggan.

Si Alvaro ang pinakabata sa walong magkakapatid at kahit malayo ang agwat ng edad mula sa kanyang big brother na si Mikael, kapansin-pansin pa rin ang closeness ng dalawa.

Habang hindi pa rin napapanood si Mikael sa pinagbibidahang GMA series na “Love of my Life”, pinagkakaabalahan muna nila ni Megan ang paggawa ng YouTube vlogs, podcasts at streaming ng online games.

* * *

Sa kanyang latest vlog, ipinasilip ni Primetime Princess Barbie Forteza ang naging work from home setup niya nang maging guest anchor sa Chika Minute.

 

 

Tinulungan siya ng boyfriend na si Jak Roberto para i-setup ang box equipment na ipinadala ng “24 Oras”. Si Jak ang nag-ayos ng settings ng camera at ng ilaw para kay Barbie.

In fairness, talagang todo ang suporta ng Kapuso hunk sa kanyang girlfriend at wala siya paki kung magmukha man siyang alalay o personal assistant ng dalaga.

 

Bago nagsimula ang newscast, nag-makeup muna si Barbie, “In fairness, ang bilis kong nakapag-makeup. Tama rin ‘yung diskarte ko na dito ko sa setup magme-makeup.

“Para nga naman tama ‘yung makeup ko kasi minsan iba ‘yung rehistro ng makeup sa camera ng phone, iba dito sa camera dito, iba sa makeup table ko sa taas. Mas okay na sigurado tayo,” ani Barbie.

 

Samantala, habang hindi pa rin nagre-resume ang taping ng pinagbibidahang primetime series na “Anak ni Waray vs Anak ni Biday”, napapanood gabi-gabi sina Barbie at Jak sa rerun ng “Meant To Be” sa GMA Telebabad.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending