outbrain

Sandara Park di nakakalimot sa Pinas, nag-Tagalog sa Korean talk show

By Reggee Bonoan August 01,2020
share this

Sandara Park di nakakalimot sa Pinas, nag-Tagalog sa Korean talk show

By Reggee Bonoan August 01,2020 - 03:06 PM

Sandara Park

“Ano po sinasabi ninyo, hindi ko kayo maintindihan? Galing po ako sa Pilipinas.”

Ito ang seryosong sabi ni Sandara Park sa acting challenge kasama si Su-Rin Choi kilalang Korean actress at model na nakilala sa mga nilabasan niyang K-Drama na “Hi! School: Love On”, “Who Are You: School, 2015”, “Bad Thief, Good Thief” at iba pa.

Gumanap na daughter-in-law si Sandara na minamaliit ng kanyang mother-in-law na ginampanan ni Su-Rin Choi.

Base sa video na pinost ni @ara2ae sa Twitter, lenggwaheng Korean ang simula ng usapan hanggang sa nasambit na nga ni Dara, “Ano po sinasabi ninyo, hindi ko kayo maintindihan? Galing po ako ng Pilipinas.”

Tila parehong guest sa Korean talk show sina Sandara at Su-Rin Choi at hiniling ng hosts na ipakita ang galing nila sa pag-arte. Umabot na sa 938.7K views ang vido simula nang i-upload ito nu’ng isang araw.

Kaya sobrang mahal ng Pinoy si Sandara dahil marunong siyang lumingon sa tatlong taon niyang pamamalagi sa Pilipinas.

Dito siya unang nakilala, nagsimula ang showbiz career niya nu’ng naging runner-up siya sa Star Circle Quest, 2004 at umalis ng 2007 dahil kinuha siya ng YG Entertainment para i-train sa sinalihan niyang K-Pop girl group, 2NE1 noong 2009.

Ang bansang Pilipinas ang nagpasikat kay Sandara bago siya napasama grupong 2NEI na lalong nagpakislap ng pangalan niya.

At matatandaang muli siyang bumalik ng Pilipinas at naging isa siya sa hurado ng reality show na Pinoy Boy Band Superstar 2016 kasama sina Vice Ganda, Yeng Constantino at Aga Muhlach.  Si Billy Crawford ang host ng show na ito.

Sa ngayon ay abala si Dara bilang solong mang-aawit at naatasang kumanta ng Korean TV series soundtrack.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending