Alden kumikita sa pagiging online gamer: It’s really a career, may income dito
PARA kay Alden Richards isa nang career ang pagiging online gamer dahil kumikita na rin siya ng pera mula rito.
Pero more than the income, mas nais tingnan ng Asia’s Multimedia Star ang nagagawa nitong kabutihan sa kanyang mental health, lalo na ngayong limitado pa rin ang galawan sa bansa dulot ng COVID-19 pandemic.
Isang stress reliever para sa Kapuso Drama Prince ang paglalaro online o game streaming. Aniya, medyo may konek din sa industriya ng showbiz ang kanyang bagong hobby.
“‘Yung pag-o-online streaming kasi parang ikaw ‘yung direktor, ikaw ‘yung mag-iisip anong putol ng mga stream mo. Paano mo siya sisimulan. Paano mo gagawing mas enjoyable ‘yung streaming sa mga nanonood,” pahayag ni Alden.
Aniya pa, “It’s really a career. Being a livestreamer, being a gamer, helps you earn money as well. May income du’n.”
Diin pa ng Pambansang Bae, “I promote responsible gaming. We can all enjoy gaming pero pwede nating i-enjoy ‘yun nang nagiging responsible.
“’Yung ikinaganda ng gaming, parang hindi ako si Alden Richards du’n. I’m part of the gaming world. Pantay-pantay kami. It’s a matter of skills, dedication and love for the game,” chika pa ng Eat Bulaga Dabarkads.
May mensahe naman si Alden sa lahat ng nagbabalak pumasok sa mundo ng online gaming, “Hindi mo naman kailangan ng mamahaling gamit. Hindi mo kailangan ng daan-daang libo para makapag-livestream ka.
“Kapag may laptop ka, mayroon kang app. Maraming instructions sa YouTube. Actually, du’n lang din ako nagpa-guide and of course, du’n sa mga kaibigan ko,” sabi pa ng Kapuso actor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.