Kitkat tumatanggi sa trabaho dahil takot pa rin sa COVID; talent fee binabarat | Bandera

Kitkat tumatanggi sa trabaho dahil takot pa rin sa COVID; talent fee binabarat

Reggee Bonoan - July 28, 2020 - 03:25 PM

 

“HUHUHU! Another work na tinurn down, kakahinayang pero mas mahalaga buhay ko at buhay ng pamilya ko.”

Yan ang bahagi ng Facebook post ng komedyanang si Kitkat patungkol sa isang trabahong hindi niya tinanggap kamakailan.

Aniya pa, “Bukod sa take advantage naman sa pagtawad e, oo nga kikita ng konti, sakit naman abutin ko walang maayos na sinabi pa kung pano kami mapapangalagaan… Hayzzz.”

Aminado ang komedyana na kailangan niya ng work ngayon dahil ilang buwan na rin siyang walang trabaho at lahat ay palabas at walang pumapasok na kita.

Simula nu’ng nag-lockdown at inilagay sa ECQ ang Metro Manila, ni minsan ay hindi lumabas si Kitkat dahil ayaw niyang may makahalubilong ibang tao dahil natatakot siyang mahawa ng virus.

Ikinukuwento rin niya na pati bills ay inaalkoholan niya at hinahayaan munang matuyo sa sahig bago niya hawakan.

Post ni Kitkat, “Mahigit 4 months na akong di lumalabas, (ayoko talaga) hindi ko na natutungtungan kahit ang garahe namin (takot ako sa hangin) or nakakalapit sa gate namin.

“Ayoko kahit magbukas ng bintana or pinto di kami nagkikita ng araw. Pati kotse ko di na rin ako kilala marunong pa kaya ako magmaneho?! #betterSafeThanSorry.”

Kahit gustung-gusto niyang dalawin ang magulang niyang parehong senior citizen at bawal lumabas ng bahay ay hindi niya magawa kaya lagi na lang niyang tinatawagan (video call) ang mga ito para kumustahin.

Pati ang pagbili ng kanilang maintenance (gamot) ay ipinakikiusap lamang niya sa kakilalang malapit sa bahay sa Quezon City.

At dahil nasa bahay lang si Kitkat ay wala itong ginawa kundi mag-TikTok, lalo na noong bago-bago pa lang ang lockdown. Ngayon ay nagko-concert na siya at saka ipino-post sa social media.

Nag-o-online selling na rin si Kitkat at ang asawa niya ng tuna at salmon na inumpisahan nila ilang buwan bago mag-lockdown.

“May opisina si Walby, e, hindi naman siya makapasok di ba lockdown, kaya pull out niya ‘yung mga salmon at tuna at dito na lang sa bahay ilalagay. Sayang din ang upa kasi,” kuwento sa amin ni Kitkat nu’ng huli naming makatsikahan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang mga ibinebenta naman ng komedyana ay ang mga ineendorso niyang produkto tulad ng Sodium Ascorbate Alkaline C na sobrang lakas ngayon dahil lahat ng tao ay naghahanap ng Vitamin C, bukod pa sa mga beauty products.

Sabi nga niya, “Hanggang gate lang sila (mga umoorder) at ang kasama nila sa bahay ang lumalabas para mag-abot at kunin ang bayad.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending