Maymay sa pagiging breadwinner: May panahong hirap na hirap ako pero ginusto ko po ito
SULIT na sulit ang lahat ng hirap at sakripisyo ng Kapamilya youngstar na si Maymay Entrata dahil naiahon na niya sa hirap ang pamilya.
Hindi naging madali para sa dalaga ang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya, talagang pinagsikapan at pinagpaguran niya ang lahat ng meron siya ngayon.
“Hindi ko siya masabing madali. Nu’ng 19 years old pa lang ako, naging breadwinner na ako simula po nu’ng nanalo ako sa ‘PBB.’
“Nu’ng una akala ko, okay lang kasi blessing. Spread ko lang ‘yung blessing, okay na ‘yun. Pero ‘yung proseso na ‘yun, ‘yun ‘yung mahirap,” ang pahayag ng dalaga sa panayam ng “I Feel U.”
Inamin ni Maymay na may mga pagkakataong ramdam na ramdam niya ang matinding pagod dahil sa sunud-sunod niyang trabaho ngunit never siyang nagreklamo o umangal dahil alam niyang blessings ang lahat ng dumarating na projects sa kanya.\
“Opo, dumating na hirap na hirap ako pero kasi ginusto ko ito. Ginusto ko na maitaguyod ang pamilya ko sa kahirapan at malaking pagkakataon ito para sa akin na ito ‘yung way ko para matulungan sila.
“Marami rin akong nasakripisyo gaya ng pag-aaral ko. Four years na ako nag-stop sa pag-aaral.
“Two years na lang sana, ga-graduate na ako kaya this semester mag-e-enroll na ako,” lahad pa ng PBB Lucky Season 7 Big Winner.
Kapag nakikita raw niya na masaya ang kanyang pamilya ay nawawala na ang takot at pagod na nararamdaman niya.
“Katulad ‘yung pagkain, hindi mo naman napipili ‘yung gusto mong kainin dati, hindi mo nabibili agad ‘yung gusto mo.
“Masaya sila every time may selebrasyon like birthday or Christmas. Naibibigay ko ‘yung gusto nila.
“Pinaka-proud ako ay ‘yung mga pinsan ko na nag-aaral nang mabuti. Lahat kaming magpipinsan, parang magkakapatid na kami,” chika pa ng young actress.
Kung may isa pang hiling si Maymay para sa kanyang pamilya ito ay ang, “Dream ko sa family ko na kahit siguro abundant ‘yung blessing na patuloy na binibigay ni Lord sa amin, sana hindi mawala ‘yung pagiging kuntento sa kung ano ‘yung meron tayo at pagiging blessing din sa mga mas nangangailangan pa kaysa sa atin.”
In fairness naman kay Maymay, deserve niya ang kasikatang tinatamasa niya ngayon dahil bukod sa kasipagan at pagiging totoong tao, talagang mahal na mahal niya ang kanyang pamilya pati na ang mga fans na walang sawang sumusuporta sa kanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.