Donita Nose hinding-hindi magpapatalo sa killer virus: COVID ka lang, hello! | Bandera

Donita Nose hinding-hindi magpapatalo sa killer virus: COVID ka lang, hello!

Ervin Santiago - July 28, 2020 - 01:24 PM

SA kabila ng matinding pagsubok na kanyang kinakaharap ngayon matapos tamaan ng COVID-19, nananatili pa ring positibo ang Kapuso comedian na si Donita Nose.

Lumabas na nga ang resulta ng swab test na isinagawa kay Donita at nagpositibo nga siya sa killer virus at kasalukuyan nga siyang ginagamot ngayon sa ospital.

Aminado ang TV host-comedian na napakahirap ng kalagayan niya ngayon dahil mag-isa lang siya at talagang “the struggle is real” daw habang naka-confine siya sa St. Luke’s Hospital.

“Ngayon ko lang naranasan yung iihi lang ako pero…habang umiihi ako hinahabol ko yung hininga ko. Ganu’n siya kalala,” lahad ni Donita sa panayam ng GMA 7.

Haggang ngayon ay nasa emergency room pa rin ang komedyante dahil kulang na kulang na ang mga kuwarto sa ospital dahil sa dami ng mga COVID-19 patients.

May takip naman daw na plastik ang bawat pwesto nila para sa tamang isolation ng mga pasyenteng nasa ER.

Samantala, nilinaw naman ni Donita Nose na ilang linggo na siyang hindi nagre-report sa “Wowowin-Tutok To Win” bilang co-host ni Willie Revillame nang magkaroon siya ng sintomas ng COVID.

Ibig sabihin hindi totoo ang tsismis na kaya raw siya biglang nawala sa “Wowowin” ay dahil nagkasakit na nga siya at kailangan nang isugod sa ospital.

Abot-langit ang pasasalamat ni Donita sa lahat ng mga taong nagmamahal sa kanya lalo na kay Willie na agad nagpadala ng tulong sa kanya.

“Kahit mag-isa lang ako dito, I know na hindi ako nag-iisa sa mga dasal, sa lahat. Kasi alam ko na maraming nagmamahal sa akin,” ani Donita.

Sa gitna ng pakikipaglaban niya sa virus, nananatiling positibo ang comedian na gagaling din siya, “COVID ka lang, hello!”

“Laban ko ‘to, sige kaya ko ‘to kahit mag-isa lang ako. Kaya kayo, guys, mag-ingat kayo, guys. Huwag ninyong gawing biro ‘yung paglabas-labas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kahit sa mall, kahit malalayo sila, huwag talaga. Kasi ako alam ko ‘yung mga precautions na dapat gawin, malayo ako sa mga tao, pero ito tinamaan,” paalala pa ng komedyante sa nauna niyang pahayag sa Facebook Live.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending