Vice Mayor ng San Fernando, Pampanga positive sa COVID-19 | Bandera

Vice Mayor ng San Fernando, Pampanga positive sa COVID-19

- July 28, 2020 - 11:10 AM

Nagpositibo sa COVID-19 ang vice mayor ng San Fernando, Pampanga, na si Vice Mayor Jimmy Lazatin.

Sa kaniyang post sa Facebook, sinabi ni Lazatin na sumailalim siya sa PCR Test o swab testing at positibo ang resulta.

“Kahapon po ay sumailalim ako sa PCR test o swab testing at lumabas po ang resulta ngayon. Ikinalulungkot ko pong ipaalam na ako ay napositibo sa COVID-19,” ayon sa post.

Sinabi ni Lazatin na wala siyang travel history sa labas ng San Fernando sa nakalipas na 14 araw.

Sa kaniya ring pagkakatanda ay hindi siya nagkaroon ng contact sa isang COVID-19 positive patient.

Sinabi ni Lazatin na mayroon siyang sintomas na kaunting ubo.

Pero maliban doon ay mabuti naman ang kaniyang pakiramdam at siya ay naka-quarantine na.

Hinimok ni Lazatin ang mga taong kaniyang nakasalamuha mula noong Lunes, Hulyo 20, 2020 na agad makipag-ugnayan sa City Health Office o sa Vice Mayor’s Office para sila ay maisailalim sa mandatory contract tracing at medical assessment.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending