Heart inokray ng laiterang basher: Panget pala ng kuko mo!

Heart inokray ng laiterang basher: Panget pala ng kuko mo!

Ervin Santiago |July 28,2020
share this

Heart inokray ng laiterang basher: Panget pala ng kuko mo!

Ervin Santiago | July 28,2020 - 10:57 AM

 

 

PATI ang nananahimik na kuko ng Kapuso actress na si Heart Evangelista ay hindi pinatawad ng isang basher.

 

Pero kung inaakala niyang basta na lang mananahimik ang tinaguriang Queen of Creative Collaborations, nagkakamali siya.

 

Nag-post kasi ang misis ni Chiz Escudero sa Instagram ng isang litrato kung saan ipinakita ng aktres ang kanyang bonggang sandals na terno sa ginawa niyang artwork.

 

Umani naman ito ng mga positibong comments mula sa kanyang IG followers, ngunit may isang netizen na nanlait sa mga kuko sa paa ng Kapuso actress.

 

“Panget pala ng kuko mo,” ang komento ng basher. Na agad namang sinagot ni Heart ng, “Ok lang keysa ugali.” Nilagyan pa niya ito ng heart at kiss emoji.

 

Sinundan naman ito ng mga comments mula sa fans na nagtatanggol kay Heart kasabay ng pang-ookray sa itsura ng basher.

 

Isa ang aktres sa mga celebrities na palaban na ngayon sa mga trolls, talagang binabasag at sinusunog na nila ang mga ito para turuan ng leksyon.

 

Kamakailan, sinagot din ni Heart ang isang netizen na nagsabing gusto lang niyang magyabang kaya panay ang post ng mga ginagawa niyang pagtulong sa mga naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

 

“My donations are not out for people to see. These are donations from companies and I post to show them for transparency.

 

“Now go on to your real account and do something good. Maybe pray… in a room where no one will see you but God,” ani Heart.

 

Isa sa mga natutunan ni Heart sa kanyang asawang si Chiz ay ang kung paano haharapin at lalabanan ang mga bashers.

 

“It’s not all negative and neither is it all positive. You just have to take the good with the bad. You have to learn to ride both. If it’s too hot in the kitchen, then leave. Chill a bit.

 

“I may not agree with what you are saying, but I will always defend to the death your right to say it. It’s not a question of being strong. It’s a question of learning to look the other way,” ang paalala ni Chiz sa kanyang asawa.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending