Ruru nakikisawsaw lang daw sa kasikatan ng BTS: Masama bang humanga? | Bandera

Ruru nakikisawsaw lang daw sa kasikatan ng BTS: Masama bang humanga?

Ervin Santiago |July 28,2020
facebook
share this

Ruru nakikisawsaw lang daw sa kasikatan ng BTS: Masama bang humanga?

Ervin Santiago - July 28, 2020 - 10:11 AM

 

 

PINATULAN ng Kapuso actor na si Ruru Madrid ang ilang netizens na nambu-bully sa kanya dahil sa pagiging fan ng K-Pop group na BTS.

 

Simula nang ibandera ni Ruru sa kanyang social media ang paghanga sa BTS, partikular sa member nitong si Kim Taehyung or V, ay hindi na siya tinantanan ng haters.

 

Ginagamit lang daw niya ang BTS at si Kim Taehyung para magpasikat at magpapansin. Gusto lang umano niyang makisakay sa kasikatan ng nabanggit na K-Pop group.

 

Nitong nakaraang linggo, nag-viral at trending sa socmed ang mirror selfie ni Ruru na ipinost niya sa IG. Marami ang nagkomento na malaki ang pagkakahawig niya sa nasabing K-pop idol.

 

Sumunod dito, nag-post uli ang Kapuso hunk ng isang video kung saan mapapakinggan ang version niya ng kanta ni  Kim Taehyung na “Sweet Night”.

 

Ayon kay Ruru, ito’y pasasalamat na rin niya sa lahat ng sumusuporta sa kanya lalo na sa mga Pinoy fans ng BTS, o mas kilala sa tawag na PH ARMYs.

 

Caption niya sa kanyang post, “This is dedicated to all my supporters.

 

“To my Rurunatics family, thank you for everything! To all the ARMYs, thank you for making me feel your love! Borahae!”

 

Marami namang natuwa sa video ng binata pero may mga nambasag din sa trip niya. Tinawag pa nga siyang “clout chaser” ng ilang netizens.

 

Binuweltahan naman sila ng rumored boyfriend ni Bianca Umali sa pamamagitan ng Twitter. Aniya, “Masama bang humanga? Masama bang sumuporta?

 

“Ang sakit lang na ang sama mag-isip ng mga tao ngayon,” sabi pa ng aktor.

 

Ipinagtanggol naman ng kanyang Twitter followers si Ruru at sinabing huwag na lang pansinin ang mga haters at trolls dahil inggit lang daw ang mga ito sa mga ginagawa niya.

 

“Don’t mind them Ruru. Sabi nga ng Bangtan, ‘Do your thing, do your thing with me now,’” comment ng isang fan na hango sa hit BTS single na “Black Swan.”

 

“Don’t ever feel bad for support someone for good, focus on what you are I will be always supporting you until the end of my life. Be what you are! don’t ever fake around AND AS AN ARMY I’M SAYING THAT NEVER FEEL SHITTY OF STAINING THEM. LOT’S OF LOVE FOR YOU.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

“Hayaan na ho naten yung mga taong ganyan as long as hindi mo ka naman po nakakatapak ng ibang tao and as long as masaya ka sa pag suporta don’t worry kuya ruru your co-army loves you in short we love you for supporting BTS leader.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending