Alden negative sa COVID, tuloy ang pagtatrabaho; mga Kapuso may hiling sa GMA 7
NEGATIVE sa COVID-19 ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.
Dahil ilang linggo na rin siyang lumalabas ng bahay para magtrabaho, nagpa-test uli ang Kapuso Drama Prince para masigurong maayos pa rin ang kanyang kundisyon.
Matapos magpa-swab test sa Centuria Medical Makati, ibinalita sa kanya na negatibo ang resulta nito at pinayuhang magpatuloy lang sa mga ginagawa niyang precautionary measures.
“To be honest, whenever I report to work everyday for the past weeks na bumalik kami on air sa ‘Eat Bulaga,’ ayoko pa ring i-put at risk ‘yung mga mahal ko sa buhay, that’s why umuuwi ako sa kanila every two weeks lang.
“Today (July 24), nandito ako sa bahay namin sa Laguna kasi nandito ‘yung lolo ko, nandito ‘yung lola ko,” pahayag ni Alden sa panayam ng GMA.
Dagdag pa niya, “I don’t want to risk it although sa ‘Eat Bulaga’ we follow strict protocols. Kumpleto kami sa equipment.
“We have a doctor there, appointed to foresee all the operations being done all throughout the day, sanitation of hands, masks.
“Before I go home after weeks work sa ‘Eat Bulaga,’ kina-quarantine ko ‘yung sarili ko kasi I don’t want to risk it kahit pa walang nararamdaman since the symptoms of COVID-19 are asymptomatic. Hindi na ‘yan makikita agad,” lahad pa ng Pambansang Bae sa nasabing interview.
Si Alden ang ambassador ngayon para sa Department of Health’s (DOH) communication campaign kontra-COVID-19, ang “BIDA Solusyon,” na tutulong sa awareness program tungkol sa preventive health measures ng gobyerno.
“I’m really honored to be part of this campaign. I’m really happy. Yun din ‘yung sinasabi ko sa team ko before, na sana magkaroon tayo ng partnership na magiging relevant ‘yung presence ng GMA artist para ma-promote ang awareness against the fight for COVID-19,” ani Alden.
Isa na rito ang paglaban sa fake news, “Isang misinformation about a certain issue that comes out and people believe it kahit hindi totoo, automatically, damay-damay na lahat ‘yan.
“Ang dali ng access sa fake news ngayon, so it’s really important for us to remember na we always have to rely on official institutions na makapag-announce ng mga bagay hinggil sa pagprotekta sa atin at ‘yung laban natin sa COVID-19,” aniya.
* * *
Successful ang naging launch ng Kapuso Network ng sarili nitong digital TV receiver, ang GMA Affordabox.
Marami ang natuwa sa kakaibang features nito lalo na ang pagkakaroon ng personal video recorder kung saan maaari nang ma-record ang mga programa ng GMA.
Sabi sa Facebook comment ni Hermeliza Urbano, “Pedeng-pede mo pang ulit-ulitin mga shows na gustong-gusto mo, irecord mo lang siya. Galing talaga pag GMA ang nagrelease. Love it!”
Binahagi naman ng isa pang netizen na si Pee-Jay Vera kung ano ang nakapagpa-angat sa GMA Affordabox at bumilib sa features nito, “Saka importante, walang broadcast encryption ng signal at makakasagap ng FTA with stable signal.”
Sa Twitter naman, sabi sa tweet ni @xmiledatcom, “Parang ang shala ng Affordabox. May pa-recording na gaya sa US.”
Comment naman ng isang YouTuber na si Jayson Abad, “We’re very excited with this product, well researched, most comprehensive, and excellent digital transmitter as the country needs to shift from analog to digital TV. Kudos GMA!”
Five-star rating naman ang ibinigay ng mga nakabili na nito sa online shopping sites at puro positibo ang mga naging review nila.
“This is exactly what I was looking forward to GMA Network! Congratulations and happy 70th anniversary KAPUSO NETWORK. Sobrang linaw, sulit and affordable talaga. No glitches and no interruptions. More power and God bless!” sabi ni @marklouie1996.
Sa review ni @CrissenJ, sinabi nitong, “Smooth scanning, no blank channels, mas mataas ang strength at quality ng mga channel…Sana magdagdag pa ng digital channels like for anime, music videos, and throwback channel for gma drama.”
Marami pa itong bonus features. Maaari rin itong maging multimedia player gamit ang USB port at may nationwide Emergency Warning Broadcast System (EWBS) na nagbibigay-babala sa bawat tahanan para mas maging handa sa anumang klase ng emergency sa kanilang lugar.
Para sa karagdagang detalye, pumunta lang sa website na www.GMAaffordabox.com at official social media accounts ng GMA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.