Bitoy napasugod sa ospital: Nagpa-X-ray ako para masiguro kung meron akong pneumonia | Bandera

Bitoy napasugod sa ospital: Nagpa-X-ray ako para masiguro kung meron akong pneumonia

Ervin Santiago - July 24, 2020 - 01:37 PM

NAGPAOSPITAL ang Kapuso comedian na si Michael V para masiguro kung tinamaan na siya ng pneumonia.

Ilang araw nang naka-quarantine sa loob ng kanyang kwarto si Bitoy matapos magpositibo sa COVID-19, base na rin sa vlog na ipinost niya sa YouTube.

Ngayong araw, muling nakipag-usap ang comedy genius sa kanyang fans and followers sa pamamagitan ng video at ibinalita nga niya ang pagpunta niya sa ospital kahapon.

“Sa mga concerned, nagpa-X-ray ako kahapon para masiguro kung meron akong pneumonia. Medyo mabilis kasi akong mapagod.

“May nakita silang pwedeng pagmulan ng pneumonia pero hindi naman daw kailangang magpaospital,” lahad ni Bitoy.

Pinayuhan siya ng doktor na ipagpatuloy lang ang self-quarantine sa bahay, “Niresetahan nila ako ng antibiotics at sinabihang sa bahay na lang ituloy ang pagpapagaling. Naka-self quarantine pa rin po ako para sa safety ng lahat ng nasa paligid ko.”

Mensahe naman niya sa lahat ng kanyang kaibigan at supporters, “Gusto kong magpasalamat sa lahat nang patuloy na nagdarasal para sa kaligtasan namin ng pamilya ko. At gusto ko ring paalalahanan ang lahat na mag-ingat para wala kayong pagsisihan sa huli.

“Maging responsable at gawin ang lahat ng makakaya para hindi kayo mahawa o makahawa.

“Laging maging malinis sa paligid at pangangatawan. At lagi ring magsuot ng mask at PPE. Stay home everyone and stay safe,” muli niyang paalala sa lahat ng Filipino.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending