Kris takot pa ring buksan ang resto business; Willie nag-alay ng dasal para kay Bitoy | Bandera

Kris takot pa ring buksan ang resto business; Willie nag-alay ng dasal para kay Bitoy

Ervin Santiago - July 24, 2020 - 09:29 AM

SA kabila ng pagbabalik-operasyon ng ilang negosyo sa mga lugar na nasa general community quarantine, nagdesisyon si Kris Bernal na huwag munang buksan ang pag-aaring restaurant.

Sa isang panayam, sinabi ni Kris na hindi pa open for dine in ang kanyang Korean restaurant na House of Gogi.

Aniya, “Hindi ko pa binuksan kasi hindi ko pa kaya talaga. Parang ang laki ng risk. Gusto kong protektahan ang staff ko, hindi lang naman ‘yung kumita ka ng pera, kumita ka from your business.

“Mas importante pa rin yung health and safety ng lahat. Gusto ko yung mas makakatulong ako to flatten the curve kapag hindi ako nag-dine in,” paliwanag ng Kapuso actress.

* * *

Nagpaabot ng mensahe ang Wowowin host na si Willie Revillame para kay Michael V matapos mabalitaan na nagpositibo sa COVID-19 ang komedyante.

Nitong nakaraang July 20 ay ibinahagi ni Bitoy sa pamamagitan ng YouTube vlog na siya ay tinamaan ng kinatatakutang sakit.

Nagpahayag naman ng suporta at nag-alay ng dasal si Willie sa live episode ng “Tutok To Win” para kay Bitoy.

“Gusto ko lang i-get well soon at [sana] maka-recover kaagad [ang] kaibigan natin, si Michael V. Alam ko may pinagdadaanan ka ngayon. Alay namin sa ‘yo ang aming…tanging pagdadasal ay maka-recover ka agad.

“Hanga ako sa ‘yo dahil sinabi mo ‘yan. Lalung-lalo na sinabi niya sa Facebook niya na ‘yun nga ho, naging positive siya ng COVID, at hindi natin alam kung bakit.

“Kaya ho ganu’n katindi ‘yang COVID na ‘yan. Walang pinipili ‘yan, even ‘yung president ng ibang bansa, even ‘yung kung sino mang nanunungkulan,” dagdag pa ni Willie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending