Diego mas gwapo ngayon; nakipag-bonding sa 3 anak ni Sunshine | Bandera

Diego mas gwapo ngayon; nakipag-bonding sa 3 anak ni Sunshine

Reggee Bonoan - July 23, 2020 - 04:28 PM

 

MAS guwapo at mas maganda na ang aura ngayon ng Kapamilya actor na si Diego Loyzaga.

Ito’y base na rin sa nakita naming larawan kasama ang half-sisters niyang sina Angelina, Samantha at Cheska, mga anak ng tatay niyang si Cesar Montano sa dating asawang si Sunshine Cruz.

Dumalaw si Diego kina Sunshine kasama ang inang si Teresa Loyzaga para makita ang mga kapatid, noon pa naman ay close na talaga ang binata sa kanila.

Caption ni Teresa sa mga larawang ipinost niya sa kanyang Instagram account, “What a Beautiful day it was! Thank you @sunshinecruz718 @mackysunshine @chefosel @angelinaisabele @samcruzm @chesca.montano @diegoloyzaga. Cheers to many more! Keep safe. We love you!”

Sumagot naman si Sunshine rito at nagsabing, “Ang saya! Thank you Tong (palayaw ni Teresa). The girls are very happy! We love you Diego and Tong! See you again soon!”

Kasama rin sa photo ang boyfriend ni Sunshine na si Macky Mathay.

Samantala, noon pa naman ay malapit na si Diego sa mga anak ni Sunshine dahil wala siyang kapatid na babae sa inang si Teresa.

Nabanggit din ni Sunshine noon na napakabait at responsableng kuya si Diego sa mga kapatid niyang babae.

Oo nga, tanda rin namin noong si Sofia Andres pa ang girlfriend ni Diego ay lagi niyang kasama ang aktres sa pagdalaw sa mga kapatid niyang babae.

As of now ay wala pang binabanggit si Teresa kung magbabalik-showbiz na ang binata at kung may katotohanan ang kumakalat na balitang baka lumipat na rin ang aktor sa GMA 7.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending